Facebook

Gilas Pilipinas doble kayod sa ensayo

DOBLE kayod na ang gagawing ensayo ng Gilas Pilipinas simula Martes, Pebrero 21 bilang paghahanda sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas, na ito ang magiging kahandaan nila para mangibabaw sa laban nila kontra Lebanon sa Pebrero 24 habang sa Pebrero 27 ay kontra sa Jordan sa Philippine Arena.

Itinuturing ng SBP na isang malaking hamon ngayon para sa Gilas ang laban dahil sa kawalan ng ilang mga pangunahing manlalaro nila na binubuo nina Kai Sotto, Roger Pogoy, Carl Tamayo at Japeth Aguilar.

Sina Aguilar at Pogoy kasi ay patuloy ang pagpapagaling ng kanilang injury habang sina Sotto at Tamayo ay kakapirma sa koponan sa Japanese Basketball League.

Inaasahan naman sa maipapakilala na sa publiko ni Gilas coach Chot Reyes ang mga manlalaro na isasabak niya sa nasabing torneo.

The post Gilas Pilipinas doble kayod sa ensayo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gilas Pilipinas doble kayod sa ensayo Gilas Pilipinas doble kayod sa ensayo Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.