Facebook

P17.8m marijuana winasak sa Kalinga

Umaabot ng P17, 880,000.00 ang halaga ng mga fully grown marijuana ang pinagbubunot at sinunog ng mga otoridad sa Sitio Balay, Tulgao West, Tinglayan sa Kalinga.

Nabatid na nagsasagawa ng tatlong araw (Pebrero 18-20) na marijuana eradication operations sa naturang lugar ang mga pinagsanib na puwersa ng PDEA-Kalinga, PDEU/PIU, RDEU, RIU14, 2nd KPMFC, SAF, Tinglayan MPS, Tanudan MPS at Lubuagan MPS nang madiskubre nila ang dalawang plantation site na parehong natatamnam ng fully grown marijuana plants.

Ang unang plantation site na may lawak na 5,000 sq.m. ay natatamnan ng 500,000 na piraso ng fully grown marijuana plants samantalang ang ikalawang site na may lawak na 1,800 sq.m. ay natatamnam naman ng 14,000 na fully grown marijuana plant.

Tinatayang nagkakahalaga ng P15,000,000.00 ang mga nakatanim na marijuana sa unang site samantalang nasa P2,880,000.00 naman ang presyo ng mga nakatanim na marijuana sa ikalawang site.

Matapos na pagbubunutin ang mga nakatanim na marijuana, agad itong sinunog ng mga otoridad.
Walang naaresto ang mga otoridad na marijuana cultivator mula sa mga nadiskubreng taniman ng marijuana.

The post P17.8m marijuana winasak sa Kalinga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P17.8m marijuana winasak sa Kalinga P17.8m marijuana winasak sa Kalinga Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.