Facebook

Depensa ni Robin kay FPRRD vs ICC, ikinagalak ni Bong Go

IPINAHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang buong pagsuporta sa inihaing resolusyon sa Senado na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagsisiyasat ng International Criminal Court sa giyera ng nakaraang administrasyon laban sa iligal na droga.

“I thank Sen. Robinhood Padilla for his Proposed Senate Resolution No. 488 defending former president Rodrigo Duterte from investigation or prosecution by the ICC. I am most willing to be made as a co-author of said resolution,” ani Go.

Ang Senate Resolution No. 488 ay inihain ni Senador Robinhood Padilla noong Lunes na sumusuporta kay Duterte laban sa imbestigasyon ng ICC.

“Bilang senador ngayon at naging parte rin ng nakaraang administrasyon, alam ko na ginawa lang ni dating pangulong Duterte ang kanyang sinumpaang tungkulin para sa kaligtasan ng mga Pilipino at kinabukasan ng ating mga anak,” pahayag ni Go.

Binigyang-diin na ang Pilipinas ay isang soberanong bansa, iginiit ni Go na ang mamamayang Pilipino, hindi isang dayuhang hukuman, ang dapat sumuri sa pagpapatupad at mga resulta ng digmaan sa droga sa Pilipinas.

“Gaya ng sinabi ko noon, hayaan natin ang mga kapwa Pilipino ang humusga kung mas nakalalakad ba sila sa gabi na hindi nababastos at hindi nasasaktan ang kanilang mga anak,” sabi ng senador.

Nakasaad sa resolusyon ni Padilla na “former president Rodrigo Roa Duterte believes that the widespread, serious, and rampant illegal drug problem that has infected every nook and corner of the country is an existential threat to the country’s social fabric.”

Idineklara rin nito ang “unequivocal defense” kay Duterte sa anumang imbestigasyon at pag-uusig ng ICC.

Idiniin din ni Padilla ang paninindigang gumagana at independiyente ang sistema ng hustisya sa Pilipinas kaya hindi kinakailangan ang panghihimasok ng mga dayuhang korte.

Nauna rito, may katulad ding resolusyon sa Kamara de Representante, ang HR No. 780 na inihain si dating Pangulo at ngayo’y House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kasama ang 18 iba pang mambabatas noong Pebrero 16.

“Hindi dapat banyaga ang humusga sa naging kampanya ng nakaraang administrasyon laban sa iligal na droga dahil buhay na buhay naman ang demokrasya sa ating bansa, mayroon tayong rule of law na pinapairal, at may sarili naman tayong mga korte na nananatiling malaya at mapagkakatiwalaan,” nauna na ring sinabi ni Go.

“Pilipino na po ang bahala sa kanya. Hinihikayat ko po ang ating mga kababayan na ipaglaban po natin si (dating) Pangulong Duterte dahil ginawa niya ang kanyang trabaho para sa ating mga kababayan,” pagtatapos ni Go.

Ang hakbang ng ICC na muling buksan ang imbestigasyon sa dating Pangulo ay tinanggihan din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsasabing walang hurisdiksyon ang ICC at iginiit na ang bansa ay may “magandang” judicial system.

Idinagdag ni Marcos na hindi niya papayagan ang “mga dating imperyalista” na kontrolin ang bansa, maliban kung maestablisang may hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

The post Depensa ni Robin kay FPRRD vs ICC, ikinagalak ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Depensa ni Robin kay FPRRD vs ICC, ikinagalak ni Bong Go Depensa ni Robin kay FPRRD vs ICC, ikinagalak ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.