NAKATAKDANG magpunta ng Amerika ang Bureau of Immigration (BI) personnel upang magsanay sa law enforcement course at ito ay sponsored ng United States government.
Ang mga ahente ng BI wardens facility (BIWF) at fugitive search unit (FSU) sa ilalim ni Rendel Ryan Sy ay nakatakdang dumalo sa control tactics familiarization course na pangangasiwaan ng United States Marshals Service.
Ang programa ay naka-focus sa law enforcement self-protection and arrest procedures.
Nagpahayag ng kasiyahan at pasasalamat si BI Commissioner Norman Tansingco sa pamahalaan ng Amerika sa pakikipagpareha at umaasa na mas marami pang pakikipagtulungan ang magaganap sa hinaharap.
“This capacity-building training is very timely, as it is in line with our priority area of improving the skills of our personnel, as well as upgrading security in our facility,” sabi ni Tansingco.
Matatandaan na nagpatupad ng malawakang balasahan si Tansingco sa BIWF nitong unang bahagi ng buwan kung saan 36 kawani ang naapektuhan.
“The reforms that we are implementing does not end in the mere changing of people,” sabi ni Tansingco.
“We want a more holistic approach in our improvements, and this includes skills training and capacity-building, as well as infrastructural and technological upgrades,” bahagi pa nito.
Ang pagsasanay ay gagawin sa February 21 at 22. May 14 na mga kawani mula BI ang inaasahang lalahok. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)
The post Kawani ng BI warden facilty, magsasanay sa US Dept of State appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: