Ni ROMMEL PLACENTE
NAPANOOD namin ang D’ Aswang Slayerz na produced ng Amartha Entertainment, na isa sa bida ay si Mel Martinez. Isa itong horror-comedy film.
In fairness, ang husay ni Mel sa pelikula, huh! Ang galing niyang magpatawa, nasa timing, hindi pilit. Kumbaga effortless. Nakakatawa talaga siya sa lahat ng eksena.
Pero hindi lang sa comedy mahusay ang nakababatang kapatid ni Maricel Soriano, maging sa drama ay may ibubuga siya.
Pero ayon kay Mel, mas mahirap para sa kanya ang magpatawa kesa magpaiyak.
“Actually, sa totoo lang, mahirap magpatawa. Mas madali sa akin ang magpaiyak. Mas madali akong humugot kasi kapag drama,” sabi ni Mel.
Patuloy niya,”I don’t know, it’s just that kapag comedy, nali-lift ko ‘yung timing ba. It’s a gift that I have to be blessed with.
“Kaya kapag comedy, pinaghuhusayan ko. You know, kahit comedy ‘yan pinaghihirapan ko pa rin. Hindi siya ‘yung basta magpatawa ka lang, mahirap siya. Nandiyan dapat ‘yung timing, effort, and consistency,” paliwanag pa niya.
“Sa pelikulang ito, sabi ko sa sarili ko, “Sorry Lord! Tang.., napagod ako ru’n ah. Ang lakas ng energy ko, buti nakaya ko,” natatawang sabi pa ni Mel.
Masasabi ni Mel na ang D’ Aswang Slayerz, ang maituturing niyang pinakamalaking project na nagawa niya as a comedian. Ito kasi ang first time na nagbida siya sa isang pelikula.
Sa tanong kung may pressure ba, ang sagot niya,”Meron! Siyempre nakaka-pressure.
“Pero sabi ko nga, hindi lang naman kasi sa akin nakasalalay ‘yan. Ang point dito is, the end product itself. It’s the material, ‘di ba?
“Kasi siyempre kung maganda ‘yung material, magkakaroon tayo ng word of mouth. Kakalat ‘yan, di ba?
“Naniniwala naman ako sa project, ang ganda niya, ‘di ba?”
Ang D’ Aswang Slayerz ay mula sa direksyon ni Ricky Rivero. Kasama rin sa cast sina Sharmaine Arnaiz sa papel na Reyna Helga, ang reyna ng mga aswang, newcomer-teenstar Athalia Badere, Magdalena Fox, Christian Antolin, Rosie Bagenden, Lester Tolentino, Benjie Rosales, Dawn Dupaya, and introducing GJ Dorado and Chelsea Bon.
Speaking of Sharmaine, marami na siyang nagawang comedy film pero ito ang first time na gumawa siya ng isang comedy-horror.
Support lang sa D’ Aswang Slayerz si Sharmaine, pero okey lang ‘yun sa kanya. Tinanggap niya ang pelikula dahil kaibigan niya si Direk Ricky, na siyang kumuha sa kanya para rito.
Nagsimula ang friendship ng dalawa noong nagkasama sila sa defunct youth-oriented show na That’s Entertainment.
Hindi napapanood sa serye ngayon si Sharmaine although may mga offers naman sa kanya. Ang rason kung bakit ayaw niyang tumanggap muna ay dahil nga sa lock-in tapings. Ayaw niyang malalayo sa kanyang mga anak at sa mommy niya na may edad na.
Para sa award-winning actress, priority niya ang kanyang pamilya bago ang lahat.
O, di ba, kahanga-hanga si Sharmaine?
The post Mel inamin, mas mahirap magpatawa kaysa magpaiyak; Sharmaine priority ang pamilya kaysa showbiz appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: