PINASIMULAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen Jonnel C Estomo ang Human Rights Advocacy Journey sa pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Human Rights Affairs Office sa ilalim ng pangangasiwa ni PBGen Vincent S Calanoga, Chief, Human Rights Affairs Office (C, HRAO) alinsunod sa programa ng SAFE NCRPO.
Si Calanoga ay malugod na tinanggap ni Estomo sa kanyang pagbisita sa NCRPO Regional Headquarters, Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City noong Pebrero 1, 2023 kung saan ay ginawa ang mga talakayan upang matiyak na makakamit ang nasabing adbokasiya.
Sa pagpapalakas ng mga tauhan ng NCRPO sa Human Rights Awareness, pangungunahan ng Regional Human Rights Affairs Office (RHRAO) ang pagsasagawa ng Human Rights Deepening Seminar at Stakeholders Human Rights Forum sa limang distrito ng pulisya ng NCRPO.
Ang seminar ay bilang pagpapatuloy ng Capability Building component ng LOI 55/07 “PAMANA” upang muling buhayin ang kaalaman at pang-unawa ng lahat ng PNP personnel sa aspeto ng Human rights-based policing habang ang Stakeholders Human Rights Forum ay naglalayong makipagtulungan sa mga komunidad at Civil Society Organizations sa pagtukoy sa mga isyu sa Human Rights at sama-samang bumuo ng mga epektibong diskarte sa pagtugon sa mga isyu at alalahanin at upang matukoy ang mga posibleng solusyon, diskarte at remedyo.
” It is but imperative that we as law enforcers are constantly prodded in increasing awareness of the public about human rights.Ang inisyatiba na ito ay magsusulong din ng pag-unawa at paggawa ng mga naaangkop na aksyon patungo sa anumang mga isyu at alalahanin sa karapatang pantao.”ani Estomo
Dagdag pa niya “Ito ay isa sa mga prinsipyo ng S.A.F.E. NCRPO formula na kasama ng aming masigla at tunay na pagsusumikap sa visibility ng pulisya, nababagay din namin ang aming mga tauhan bilang tagapagtaguyod din ng karapatang pantao.” (JOJO SADIWA)
The post NCRPO PERSONNEL, PASISIGLAHIN ANG ‘HUMAN RIGHTS AWARENESS’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: