Ipinahayag ng isang pribadong sektor na kailangan ng maraming pagbabago sa kalidad ng edukasyon ng mga guro sa Pilipinas, base na rin sa kinalabas ng 12-taong datos nang pagsasaliksik sa istilo ng pagtuturo ng mga lisensiyadong titser.
Ayon sa Philippine Business for Education (PBEd), isang pribadong sektor na itinatag at pinondohan ng mga top business leaders ng bansa, na kailangang iangat ang kalidad ng guro sa bansa dahil sila ang may direktang ugnayan sa mga mag-aaral.
Sinabi ni PBEd Exec. Dir. Justine Raagas, na ang 2022 na pananaliksik na ginawa ng socioeconomic-policy think tank ng gobyerno na Philippine Institute for Developmental Studies (PIDS), nagsasaad na isang pangunahing salik ang mababang kwalipikasyon ng guro sa mababang kalidad ng edukasyon at mahinang pagganap ng mga mag-aaral.
Sinuri ng mga PBEd researchers ang halos 12 taon ang kahalagahan ng Licensure Examination for Teachers (LET) data mula sa website ng Professional Regulation Commission (PRC) at pinagsama ang mga ito sa iba pang data pointd mula sa Commission on Higher Education (CHEd).
Base sa natuklasan ng PBEd, na 56 porsiyento ng mga paaralan sa buong bansa ang nagbibigay ng edukasyon sa guro na mas mababa sa average passing rates sa licensure exam mula pa noong 2010.
Sinabi rin ni PBEd Deputy Exec. Dir. Diane Fajardo, na gumawa ng sila ng kahalintulad na pag-aaral noong 2013 na nagresulta ng kaparehong resulta nakalipas ang siyam na taon.
At ayon na rin sa nasabing pag-aaral, lumabas na mas mababa ang kabuuang passing rate ng LET examinees kumpara sa ibang kurso, tulad ng architecture, nursing, civil engineering, at accountancy.
Sinabi pa ng PBEd, na 2 porsiyento lamang ng mga paaralan sa bansa ang nag-aalok ng teacher education na nakakaklasipika bilang high-performing schools, na dapat sana agarang ipinasasara ng pamahalaan ang mga ganitong uri ng paaralan na may mababang performance sa programa ng edukasyon.
Tinukoy sa pag-aaral ang mga high-performing school bilang mga LET passing rate na hindi bababa sa 75 porsiyento.
Sa 111 schools na nasa ilalim ng klasipikasyon ng Center of Excellence (COE) at Center of Development (COD), mahigit 81 porsiyento ng COE at 91 porsiyento ng COD ang hindi mataas ang mga nakukuha sa licensure exams.
Isa sa mga pamantayan ng CHEd para ma-accredit ang mga paaralan bilang COE o COD, na dapat mapabilang sula sa top 10 at top 20 sa licensure exams sa loob ng tatlong magkakasunod na taon.
“We want to improve teachers quality both in pre-service, or while they are still studying, and in-service, when they are already teaching,” wika ni Raagas.
Inilatag ni PBEd policy at advocacy manager Jose Andoni Santos ang kanilang mga rekomendasyon, na kinabibilangan ng pagtuon sa pagbuo ng higit pa at panatili ng COEs kada rehiyon at magkaroon ng mas mahigpit na pagsubaybay sa kanilang mga pagganap.
Sinabi ni Santos na ang curriculum ng teacher education at mga katanungan sa licensure exams dapat din suriin kaugnay sa Department of Education’s professional standards para sa mga guro.
Umaasa ang mga opisyal ng PBEd, na ang kanilang mga isinagawang pag-aaral, maaaring maging isang catalyst upang mapabuti ang edukasyon ng mga guro sa Pilipinas.
“Our teachers are heroes but we just can’t expect them to be resilient and to push on despite the lack of support. We have to give them the proper support, ensure that they will possess the skills that they will need and that they will have the materials that they need,” wika pa ni Santos.
“There’s really a lot of teacher quality interventions needed and we hope that this is the start,” pagwawakas ni Santos.
The post ’12-years data track’: Pagsasanay ng titser sa Pinas, mahina! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: