DAPAT panagutin ang mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nasa likod ng delivery ng mga depektibong bagon ng Light Rail Transit (LRT) 1 dahil sa ‘water leak’ o tumatagas na tubig.
“The unused LRT1 coaches due to water leaks show how exasperating the situation can get. Our transportation woes just won’t end,” sabi ni Poe, chair ng Senate public services committee sa isang statement.
“We must exact transparency and accountability from those involved in allowing the delivery of the train cars without thorough inspection,” dagdag niya.
Nauna nang ibinunyag ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez sa pagdinig sa Kamara na 80 sa 120 bagong bagon na binili ng pamahalaan noong 2017 ay hindi magamit dahil sa water leak.
Ang mga depektibong bagon ay binili ng pamahalaan sa isang Spanish company at dahil sa restrictions sa pandemya ay hindi ito nasuri nang dalhin sa bansa.
Iginiit ni Poe na gawin ang lahat ng paraan para maparusahan ang mga opisyal na pumayag na i-deliver ang mga bagon na hindi man lamang dumaan sa masusing inspeksyon.
“We will hold true the Department of Transportation to its commitment to make the supplier remedy the problem to make the coaches usable,” ayon kay Poe. “The money of the people is involved here. We cannot just let the train cars gather water and rot while millions of commuters go through the daily travails of commuting.”
The post Opisyal sa likod ng depektibong mga bagon ng LRT, parusahan! – Poe appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: