INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na naaresto nila ang isang American pedophile na wanted ng mga awtoridad sa Wisconsin sa pangmomolestya ng isang bata dalawang dekada na ang nakalilipas.
Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang puganteng si Francisco Gomez, 62, na naaresto sa Ermita, Manila nitong Pebrero 9 ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.
Naglabas ng mission order si Tansingco para maaresto ang wanted na dayuhan sa kahilingan ng mga awtoridad ng Amerika sa Maynila at humingi ng tulong sa BI upang mahanap at ma-deport ang naturang sex offender.
“We will deport him as soon the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation after which he will be blacklisted and banned from re-entering the country,” dagdag ni Tansingco.
Binigyang diin ni Tansingco na ang pamamalagi ni Gomez sa bansa ay may dalang panganib sa mga Filipino.
Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Gomez ay wanted upang humarap sa circuit court sa Milwaukee, Wisconsin na nag-issue ng warrant of arrest noong pang Feb. 26, 2003 matapos na kasuhan ng pangmomolestya sa isang bata.
Pero natakasan ni Gomez ang umaaresto sa kanya sa Amerika at noong Oct. 6, 2006 ay nagtungo siya sa Pilipinas at hindi na umalis.
Sinabi ni Sy na si Gomez ay isa ng undocumented alien dahil sa kanselasyon ng kanyang US passport ng State department.
Kasalukuyang nakapiit sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si Gomez habang naghihintay ng kanyang deportasyon. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)
The post Pedopilyang Kano, naaresto ng BI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: