Facebook

Paolo umamin din sa wakas, dyowa na si Yen

Ni JOE CEZAR

SA last two-part interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes (Enero 30) kay Paolo Contis, na-rush sa ospital ang mommy ng actor-comedian.
Aniya, she’s still undergoing mga check-up. Worried daw si Paolo.
“But nadala siya sa ospital pero nagpaalam naman ako na mawawala ako saglit.
“Okey naman, sabi ng kuya ko.”
MAY MENSAHE SI PAOLO CONTIS SA INA
Ano kaya ang sasabihin ni Paolo sa kanyang mama?
“I love you, Mama.”
Bumibigay na si Paolo. Bumuhos na ang luha.
“I promise, nu’ng nawala si papa, I’ll take care of it… pangako ko ‘yun na habang buhay kitang aalagaan…
“Maging okay ka lang dirediretso.
“Bago ka mawala, papakita ko sa ‘yo ‘yung pagbabago ko..
“Totoo ‘yun, kasi ‘di na nakita ng papa ko ‘yun, eh..
“Actually, si papa … one month pinangako ko ‘yung mga anak ko … ‘di niya naabutan
Pinangako sa kanyang papa … sinabi niya na, “you take care your mom.”
“During that time na may sakit si papa ‘di kami okey ni mama n’un eh, kaya kami ni papa nagkikita kami sa labas … nagwi-wine kami, sabi niya, “never hate your mom… you take care of your mom.”
“I hope … I hope , it’s enough … eventually makita ni mama na ano lahat naman ng kaya naman … sorry for everything sa mga kalokohan… sa mga palpak… sorry for hating the fact na minsan na sinasamahan mo ako sa taping… lahat ‘yun na-appreciate lalo na na ‘yung ‘di na siya makalakad.
SALUDO SI KUYA BOY KAY PAOLO CONTIS
“You’re good friend … napakahusay mo makisama… andami mong good qualities…. Tinanggap mo rin na andami mong maling nagawa.”
Kung may hihingin si Paolo ng tawad kanino siya maga-apologize? Anong sasabihin ni Paolo sa mga taong hihingan niya ng patawad?
“’Yung kanino? Marami ‘yun, hindi puwedeng isa but I believe, mostly the one to forgive…
“First is myself, there are days that I realized how much I hate myself for doing this, that.
“I believe na mas matatanggap ako ng mga taong may kasalanan ako but ang importanteng sorry na puwede kong ibigay … for my kids.
“Sorry for failing as a father but I hope that I’m trying to be a better person, a better father if not even a father …. At least a better person makita nila sa publiko hindi nila ako kakahiya kahit kadugo nila… kahit saan mapunta na hindi nila ako ikakahiya.”
***
SA isang bahagi ng panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda, pinabulaanan ni Paolo na si Yen Santos ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni LJ Reyes.
“Hindi.”
“Medyo matagal na hindi kami okey ni LJ. Pero, we are together of course,,, Ah, napapadalas ang mga away-away … I think it’s a combination ng stress, pandemic and everything…
“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala ang mental health ni LJ.
“Isa pa sa nagsimula ng downfall namin na hindi ko inisip yan.
Dagdag pa sa isang bahagi ng panayam sa actor, ‘yong pagdidiskarte niya ng sarili hiindi niya na ini-inform kay LJ ‘yung mga bagay-bagay.
“Led to bigger problem so, I won’t … I won’t divulge that isyu na ‘yun…. eventually it…. piled up again… again, hindi kami nag-uusap nang maayos… plus ‘yun na nga.”
Hindi naman siya nakalabas ng bahay dahil pandemic.
“May mga kalokohan din akong ginagawa.”
Sa isa pang bahagi ng panayam kay Paolo, inamin nito na girlfriend na niya si Yen Santos.
“Yes. … sana isipin naman nila kung ano lang nakikita nilang naka-post … yun lang ‘yung truth na alam nila.”
Speaking of Paolo, nasungkit niya ang Best Comedy Actor (Bubble Gang/GMA7) sa matagumpay na face-to-face awards night ng 35th Star Awards for Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nitong Sabado (Enero 28) sa Grand Ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang 35th Star Awards for Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nitong si Fernan de Guzman Katuwang ng PMPC sa awards night ang JAMSAP Entertainment Corporation nina Jojo Flores at Maricar Moina. Sa ilalim ito ng direksyon ni Frank Lloyd Mamaril.
***
GMA-7 itinanghal na Best TV Station; Jodi, JM wagi ng top acting awards sa 35th Star Awards For Television
ITINANGHAL na Best TV Station ang GMA-7 habang nakamit nina Jodi Sta. Maria at JM de Guzman ang top acting awards bilang Best Drama Actress at Actor sa matagumpay na face-to-face awards night ng 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nitong Sabado, Enero 28, sa Grand Ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila.
Nagwagi si Jodi para sa mahusay niyang pagganap sa Kapamilya teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na ipinalabas via free TV sa TV5 at A2Z. Nanalo naman si JM sa pasabog niyang role sa Init Sa Magdamag na napanood sa A2Z at TV5.

The post Paolo umamin din sa wakas, dyowa na si Yen appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paolo umamin din sa wakas, dyowa na si Yen Paolo umamin din sa wakas, dyowa na si Yen Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.