Sana naman mga Ka Usapang HAUZ ay mabigyan ng pansin ng mga magigiting nating Senador ang kahilingan ni Basilan Representative Mujiv Hataman na maging ganap ng batas ang ika 1 ng February ay araw bilang pagseselebra ng World Hijab Day na tanging approval ng Senado ang kailangan.
Sabi nga ni Rep. Hataman “It will be a big win in the fight against religious discrimination” dahil sa ikatlo at huling pagbasa mula sa Mababang Kapulungan ay pumasa ang World Hijab Day Bill kung kaya’t naniniwala ang mambabatas mula Basilan na papasa rin ang nasabing batas sa Senado.
“As we commemorate World Hijab Day with the rest of the world, it is my sincerest prayer that this measure passes the Senate’s scrutiny. Sana this time around, maging batas na ito para sa susunod na taon ay National Hijab Day na ang ating ipinagdiriwang,” Hataman, former governor of the now-defunct ARMM, pahayag pa ng Mambabatas mga Ka Usapang HAUZ.
“Ang ating panukala ay may kasamang education campaign na layong itaas ang antas ng kaalaman at kamulatan ng ating mga kababayan tungkol sa tradisyon ng mga kababaihang Muslim na magsuot ng hijab, na ito ay bahagi ng kanilang pagpapahayag ng kalayaan sa pananampalataya,” ani Rep. Hataman
The congressional office of Hataman, in cooperation with the House Committee on Muslim Affairs chaired by Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, prepared a short program in the House of Representatives to commemorate World Hijab Day 2023. He is one of the principal authors of House Bill No. 5693 that the House approved on third and final reading in November last year.
It has already been transmitted to the Senate, whose version has already been approved at the committee level and waiting for second reading deliberations in plenary.
“Ang hijab ay simbolo ng dangal at dignidad ng mga Muslim, hindi instrumento ng diskriminasyon. Kaya naman, tinatawagan ko ang mga kagalang-galang nating mga senador na aprubahan na ang National Hijab Day Bill, para nang sa gayon ay masimulan na ang pambansang pagmumulat at pagtutuwid ng maling kaalaman,” paliwanag pa ni Hataman
“Gaya nga ng nasabi ko na dati, nagsisimula ang diskriminasyon sa isip, sa maling paniniwala, na maitutuwid lamang sa pamamagitan ng tamang pagtuturo sa kahalagahan ng hijab sa kultura at pananampalataya ng mga Moro,” karagdagang pahayag pa ng kongresista mga Ka Usapang HAUZ.
The commemoration of World Hijab Day 2023 was held at the North Wing Lobby of the House of Representatives. Guests and speakers include House Speaker Martin G. Romualdez and Reps. Yedda Marie Romualdez, Linabelle Ruth Villarica and Bai Dimple Mastura, another principal author of HB 5693.
Representatives from the National Commission on Muslim Filipinos and the UP Institute for Islamic Studies were also present during the event.
Pakiusap rin ng Usapang Hauz na sana naman ay mabigyan ng kaukulang pansin ng mga Senador partikular si Senate President Migz Zubiri ang pakiusap ni Rep. Hataman na magkaroon na ng batas ang pagseselebra ng National Hijab Day.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036
The post Basilan Rep. Hataman nakiusap sa Senado – National Hijab Day Bill maaprubahan! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: