NAGHAIN ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kasunod ng mga agresibong galaw ng Chinese Coast Guard (CCG) kabilang na ang pagtutok ng military-grade laser sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal at ang mga mapanganib na pagmaniobra ng barko.
Kinumpirma ng DFA, pinadala nila ang diplomatic protest sa Chinese embassy nitong Martes, February 14. Iginiit ng DFA na ang mga hakbang ng CCG ay banta sa soberenya ng Pilipinas at sa seguridad ng bansa.
Nakakadismaya rin anila ito lalo na’t katatapos lamang ng state visit sa China ng Pangulong Bongbong Marcos kung saan nag-usap din sila ni Chinese President Xi Jinping.
Sinabi pa ni DFA Spokesperson Teresita Daza na may prerogative ang Pilipinas na magsagawa ng mga lehitimong aktibidad sa exclusive economic zone (EEZ) at sa continental shelf nito.
Ayon kay Daza, walang karapatan ang Tsina sa Ayungin Shoal o sa alinmang teritoryo ng Pilipinas.
Hinikayat din ni Daza ang China na tumalima sa mga obligasyon nito sa ilalim ng international law, kabilang na ang 1982 UNCLOS at ang 2016 Award sa South China Sea Arbitration.
The post Pilipinas naghain ng panibagong diplomatic protest vs China appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: