Ni WENDELL ALVAREZ
NAGSIMULA na magpahakot ng kanyang mga gamit ang sikat na radio host ng CFM Cristy Fer Minute over 92.3 news FM at vlogger na si tita Cristy Fermin.
Ayon kay tita Cristy, nagpadala na siya ng notice to vacate sa management ng Wil Tower along Eugenio Lopez Drive in Quezon City last February 10, para makapasok ang maghahakot ng kanyang mga gamit sa 39th floor.
Pinanindigan talaga ng SNN-Showbiz Now Na host in You Tube na isasauli niya ang nasabing condo unit kay Willie Revillame.
Ayon sa sikat na veteran columnist, pinanindigan niya ang una niyang binitiwang salita.
Nagsimula kasi ang giyera ng dalawa nang magparinig si Kuya Wil kay tita Cristy sa kanyang show na Wowowin in ALLTV na “wala kayong utang na loob, binigyan ko kayo ng kotse at condo tapos sasabihin ninyong mayabang ako.”
Hindi niya tinukoy kung sino itong pinaparinggan niya pero agad namang sinagot ni tita Cristy sa kanyang radio program ang mga paratang at inisa-isa niya ito kung paano napasakamay niya ang ibinigay ng sikat na TV host.
Ayon sa kanya, nagkaroon sila ng milyong transaction kaya tinanong siya ni Kuya Wil kung ano ang gusto niya, pera or condo at sasakyan. Pag pera raw ay madaling maubos kaya agad sinabi ni Willie na siya na ang bahala.
Matapos sila mag-usap thru cellphone tungkol sa salitang walang utang na loob agad sinabi ni Willie na hihingi siya ng sorry sa kanyang programa at tinupad niya naman ito at tinanggap ni tita Cristy ang paghingi niya ng sorry.
Pero as of now matapos ang paghingi niya ng sorry, hindi pa sila nagkakausap dahil nagpapagaling daw si Kuya Wil at may sakit ito.
Ayon naman sa nakalap namin, nasa yate niya lang daw ito at nagpapahinga. Taping kasi ang palabas na mapapanood sa kanyang Wowowin kaya hinahanap siya ng televiewers. Abaw Ah…
***
MULING gagampanan ni Cristine Reyes as Imee Marcos sa pelikulang ‘Martyr or Murderer’ na mas challenging daw kumpara sa Maid in Malakanyang kasi nga pumunta pa sila sa Morocco para mag-shoot.
Nuong na-exile kasi sila, tumakas si Imee at ang balita nuong kasagsagan ng People Power nagpapalit palit siya ng pangalan sa kanyang pasaporte para lang makapasok sa ibang bansa.
Hindi naman masyadong dinitalye ni Cristine kung anu-ano ang ginawa niya, panoorin na lang daw ang nasabing movie kasi idinitalye naman ni direk Darryl Yap ang kanyang mga karanasan sa pagtakas.
Very exciting pala ang buhay ni Senator Imee, nuong pinalayas sila dito sa atin at dun niya lang daw nalaman na ganuon pala kahirap habang sino-shoot nila ang nasabing movie na ipalalabas na this coming March 1, after the People Power anniversary.
Sa ngayon, nag-sign ulit ng contract si Cristine sa ViVa films for another year pero wala siyang sinabi kung Ilang taon ito basta masaya raw siya at nagpapasalamat siya kina Boss Vic del Rosario pati kina Veronique at Vincent dahil inalagaan siya ng 15 years.
Nagkagulatan pa nga kami ng kapatid ni Ara Mina, kung saan nagkasabay kami sa elevator pababa at take note hindi pa rin siya nakakalimot kahit hindi kami madalas magkita.
Nagkasama kasi kami ni Cristine nuong panahon ng StarStruck, kung saan isa ako sa PR ng nasabing youth oriented show. Abaw
The post Cristine inamin, nahirapan bilang Sen. Imee; Cristy naghakot na, ibabalik ang condo kay Willie appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: