Facebook

RECRUITMENT AGENCY NA APEKTADO SA ‘DEPLOYMENT BAN’ SA KUWAIT, AAPELA SA POEA

PAG-ARALAN at pag-isipan munang mabuti ang pagpapakansela o pagpapasara sa isang recruitment agency at huwag naman agarang magdesisyon ang mga mambabatas ukol sa umano’y naging kapabayaan nito sa karumaldumal na sinapit ng isang Overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara sa bansang Kuwait.

Ito marahil ang nais iparating ni Atty. David Castillon, legal counsel ng Philippine Recruitment Agencies (PRA) sa Senate Committee on Migrant Workers matapos na makatikim ng matinding ‘batikos’ kaugnay sa ‘ineffective’ monitoring system ng Catalist Manpower Services, ang pribadong recruitment agency ni Ranara.

Ayon kay Castillon, labis nilang ikinalungkot mula sa hanay ng PRA ang nangyari kay Ranara at masakit para sa isang abogado na ibaling ang lahat ng umano’y ‘kapabayaan’ nila pero naiintindihan nito ang emosyon ng mga mambabatas dahil gusto nilang makatulong.

Sa kabila nito, ang agarang pagkakansela o pagpapasara sa Catalist Manpower Services ay labis ding ikinabahala ng ibang recruitment agencies. Mayroon umanong libo-libong ofws na nasa pangangasiwa ng naturang ahensiya ang maaapektuhan kapag hindi na ito pinagbigyan na makapag-operate muli kaya’t aapela sila sa POEA at mga mambabatas.

Pinasalamatan naman ni Castillon ang Department of Migrant Workers o DMW bilang katuwang ng PRA sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan na Ofws sa oras ng kagipitan bagamat nanghihinayang sa agarang ‘deployment ban’ ng mga pinoy workers sa Kuwait.

Si Bernard Olalia, undersecretary ng Department of Migrant Workers (DMW) Licensing and Adjudication Services, ay nagsabi na ang lisensya ng Catalist na mag-operate ay nakansela na ngayon.

Magugunita na binatikos sa Committee hearing ni Sen. Joel Villanueva noong Miyerkules ang “ineffective” monitoring system ng Catalist Manpower Services, kung saan ay sinabi nitong ‘inutil’ bagay na inihayag naman ni Sen Raffy Tulfo,chairperson ng komite, na ang quarterly monitoring ng mga OFW sa Kuwait ay dapat bawasan sa lingguhan o “at least twice a month or at most, once a month.”

Nanawagan din si Tulfo na magtatag ng isang asosasyon ng mga employer ng OFW at isang asosasyon ng mga OFW na magkaroon ng regular na pagpupulong upang malutas ang mga alalahanin ng magkabilang panig.

Mula sa ?5 milyong capitalization ng mga pribadong recruitment agencies, hinimok ni umano ni Tulfo ang DMW na taasan ang halaga sa ?1 bilyon piso. (JOJO SADIWA/Photos by: CESAR MORALES)

The post RECRUITMENT AGENCY NA APEKTADO SA ‘DEPLOYMENT BAN’ SA KUWAIT, AAPELA SA POEA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
RECRUITMENT AGENCY NA APEKTADO SA ‘DEPLOYMENT BAN’ SA KUWAIT, AAPELA SA POEA RECRUITMENT AGENCY NA APEKTADO SA ‘DEPLOYMENT BAN’ SA KUWAIT, AAPELA SA POEA Reviewed by misfitgympal on Pebrero 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.