IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na special non-working holiday sa buong bansa ngayong araw, Feb. 24.
Para ito sa paggunita sa EDSA People Power Revolution na nangyari noong Feb. 22 hanggang 25, 1986.
Batay sa Proclamation No. 167 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, inilipat sa Feb. 24 ang naunang deklarasyon na special non-working holiday para sa Feb. 25, 2023.
Ang hakbang ng Punong Ehekutibo ay alinsunod sa prinsipyo ng holiday economics na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan na ma-enjoy ang mahabang weekend.
Ang anibersaryo ng EDSA ay tungkol sa mapayapang people power noong 1986, kung saan milyong mga Filipino ang nagtipon-tipon sa nasabing lansangan para tutulan ang pag-iral ng batas militar at iba pang paglabag umano sa karapatang pantao. (Vanz Fernandez)
The post Special non-working holiday idineklara ni PBBM ngayon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: