ISANG social media post ang nag-viral kamakailan na nagpapakita ng mahabang pila sa immigration area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong gabi ng Pebrero 24, 2023.
Ayon sa post, mayroon lamang tatlong counters na tumutulong sa mga pasahero.
Sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na nang beripikahin ang BI-NAIA T3 management, may 21 immigration officers ang naka-duty noong panahong iyon na nagpoproseso ng 15 flights na may lulan na humigit kumulang na 3,900 pasahero.
Kahit pa i-maximized ng BI ang manpower nito, nananatiling isyu pa rin ang mahabang pila kahit saang paliparan sa buong mundo dahil nagbukas na ang borders ng bawat bansa.
“We are thankful to the Manila International Airport Authority for committing to increase the space allocation for the immigration area in the next few months. We are likewise grateful for the support of the airlines in studying flight schedules to minimize overlapping of flights,” sabi nito.
“On our end, the BI commits to explore the use of additional electronic gates to lessen processing times. The e-travel portal for departing passengers will likewise be launched in March, which will decrease paper-based forms for passengers,” dagdag ni Tansingco.
Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang overseas Filipino workers, Overseas Employment Certificates (OECs) ay isasama na sa e-travel portal para mas mabilis at mas madali ang proseso.
Pinaalalahanan ang mga aalis na pasahero na dapat ay naka-check na sila tatlong oras bago ang kanilang flight, at pinapayuhan na dumiretso na agad sa immigration area pagkatapos magcheck-in, para makaranas ng maginhawang pagbiyahe, paliwanag nito.
Ang BI ay nanatiling desidido na magkaloob ng mas episyente, makabago at epektibong immigration service, dagdag pa ni Sandoval. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)
The post Tansingco, nagpaliwanag sa viral post ng mahabang pila sa NAIA-Immigration appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: