Facebook

TUPAD PROGRAM ‘NAGAGAMIT’ SA PAMPULITIKANG INTERES!

NALALAGAY SA balag ng alanganin si Jesus Diego “Ping” Remulla nang matunghayan itong kalahok sa pamamahagi ng Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displace workers na isinagawa kamakalawa sa city hall ng Trece Martires, Cavite.

Ito ay makikita sa facebook account ni Trese Martires Mayor Gemma Lubigan kung saan ang okasyon ng pamamahagi ng TUPAD para sa 1,502 beneficiaries. Binigyan ng bahagi si Ping Remula, tumatakbong kongresista sa Special Election para sa Ika-pitong Distrito ng Cavite, upang magtalumpati.

Posibleng maharap si Ping Remula, anak ni Justice Secretary Boying Remulla, sa paglabag sa prohibisyon ng Comission on Election (COMELEC).

Bagamat Board Member ng Panlalawigan ng Cavite si Ping Remulla ay hindi nararapat na lumahok sa anumang pamamahagi ng ayuda o financial program dahil siya ay isang aktibong kandidato, ayon sa isang opinion ng isang political expert.

Bagamat exempted sa Comelec ban ang pamamahagi ng TUPAD at iba pang DOLE programs ay ipinaalala pa rin ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa mga local government units (LGUs) na pigilan ang pag-uugnay ng programa at serbisyo ng departamento, lalo na ang TUPAD para magamit sa pansariling interes lalo na sa panahon ng kampanya.

Malalaman na nagsimula ang kampanyahan sa ika-pitong distrito ng Cavite noong Enero 26 at magtatapos ito sa Pebrero 23. Magaganap ang special election sa Pebrero 25, Sabado na lalahukan ng mga botante mula sa Indang, Trece Martires, Amadeo at Tanza.

The post TUPAD PROGRAM ‘NAGAGAMIT’ SA PAMPULITIKANG INTERES! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TUPAD PROGRAM ‘NAGAGAMIT’ SA PAMPULITIKANG INTERES! TUPAD PROGRAM ‘NAGAGAMIT’ SA PAMPULITIKANG INTERES! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.