Facebook

Malacañang, no comment pa sa importasyon ng bulto-bultong asukal?

Hindi pa pirmado ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang Sugar Order No. 6 na nagpapahintulot na mag-import ang Pilipinas ng 440,000 metrikong tonelada ng asukal para punan ang pangangailangan dito ng ating bansa.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member Pablo Luis Azcona, si PBBM bilang Secretary of Agriculture at Sugar Regulatory Administration Board chairman ay kailangan munang mag-comment sa naturang kautusan bago itakda ang sugar importasyon.

Anya naipadala na nila ang naturang kautusan sa Malakanyang para sa reaksiyon dito ni Pangulong Marcos.

Kung maibalik man anya ito sa SRA nang walang comment si Pangulong Marcos ay nangangahulgan ito na apruba na ang naturang kautusan.

Ang Sugar Order anya ay magiging balido kapag nalagdaan ng tatlong miyembro ng board at ng ex-officio chairman sa Department of Agriculture (DA).

Noong nakaraang taon ay itinanggi ng Malakanyang ang SO No. 4 para sa importasyon ng 300,000 metric tons ng puting asukal dahil walang pirma ng pangulo.

Nilinaw ni Azcona na ang SO No. 6 na nilagdaan na nina Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, acting SRA Administrator David John Thaddeus Alba, at Millers Representative Mitzi Mangwang ay dumaan sa tamang proseso.

***

Samantala umaabot sa higit P90 milyong halaga ng smuggled na asukal at sigarilyo ang natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Mismong si Customs Commissioner Bienvenido Rubio kasama ang ilang opisyal ng MICP ang nagsagawa ng inspeksyon sa limang shipment na pawang mga smuggled asukal at sigarilyo ang laman.

Nabatid na ang tatlo sa limang shipment ay mula Hong Kong habang ang iba ay mula sa China.

Dumating ang mga nasabing kargamento sa MICP noong January 5 hanggang February 12, 2023.

Ayon kay Customs Commissioner Rubio, malaki ang malulugi sa eknomiya ng bansa kung makakarating ang mga ito sa merkado.

Aniya, patuloy silang magbabantay at magmomonitor ng anumang kargamento na papasok sa bansa para masiguro na mahinto ang smuggling.

Subaybayan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post Malacañang, no comment pa sa importasyon ng bulto-bultong asukal? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Malacañang, no comment pa sa importasyon ng bulto-bultong asukal? Malacañang, no comment pa sa importasyon ng bulto-bultong asukal? Reviewed by misfitgympal on Pebrero 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.