Facebook

Xian ‘di proud kay Kim, dedma sa achievement

Ni ARCHIE LIAO

NAKUKUWESTYON ng ilang mahaderang fan si Xian Lim dahil hindi nito binati si Kim Chiu nang manalo ito bilang female talk show para sa programang “It’s Showtime”sa nakaraang PMPC Awards for Television.
Lately kasi, nag-trending na naman ang chinita actress sa pagho-host niya ng reality talent search show na “Dream maker” kung saan marami siyang pinabilib.
Nag-abang naman ang kafaneyan kung iko-congratulate siya ng boyfriend na si Xian sa social media.
Proud at very vocal kasi si Kim kapag may milestone sa career na naa-achieve ang kanyang nobyo.
Katunayan, binati pa niya ito publicly sa pagiging director nito noon.
Sa Twitter, isang follower naman ang naimbudo sa kanyang napansin sa umano’y pandededma ni Xian sa bagong achievements ni Kim.
Emote niya:”Bakit di man lang mag-congratulate si Xian Lim kay Kim Chiu. Anong klaseng boyfriend iyan?”
Sinagot naman ito ni Xian ng: ” We don’t have to share everything on social media. It’s more meaningful that way..”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa kibitzers ang naging tugon ni Xi sa netizen.
Anila, hindi raw bilib ang Kapuso actor sa nobya pagdating sa hosting.
May mga nang-iintriga pang may LQ o lover’s quarrel daw ang dalawa.
Feeling naman ng ilang mahadera, hindi raw properly reciprocated si Kim sa love nito Kay Xi.
May agree naman kay Xian na hindi kailangang malaman ng buong mundo ang pagka-care mo sa isang tao kung puede naman itong isapribado.
Pagtatanggol pa ng iba, hindi raw naman sukatan ang pagiging vocal sa socmed para sabihing hindi siya nagki-care sa nobya.
Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“Ang sipag nilang mag-share pag silang dalawa pero pansin ko kapag ang dyowa lang ang highlight, tinatamad siya.”
“Baka naman may LQ”
“Mas magaling na host si Xian Kay Kim. Di siya bilib Kay Kim”
“Tama si Xian. Not everything needs to be posted on social media. Same with birthday greetings. Pag di pinost sasabihin di man lang binati. Eh sa kung binati na sa personal kailangan pa din ba batiin sa social media?”
“Ang hirap naman sa inyo. Hindi lang binati sa socmed, dedma na. Malay ninyo kung nag-txt o nagcall na. So demanding ang mga accla. ”
“Proud si Kimmy sa achievements niya sana reciprocated din ito ni Xi”
” Conditioning din ito dahil hindi na sila loveteam”.
Noon namang Valentine’s day, ipinost ni Kim Chiu ang surprise na regalo niyang natanggap sa boyfriend with matching roses.
Dahil dito, may mga nagpapalagay na na-pressure ang Kapuso actor kaya nito ipinahiya ang basher.

The post Xian ‘di proud kay Kim, dedma sa achievement appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Xian ‘di proud kay Kim, dedma sa achievement Xian ‘di proud kay Kim, dedma sa achievement Reviewed by misfitgympal on Pebrero 16, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.