Facebook

4 pulis-Pasay kinasuhan ng robbery-extortionat grave threat ng vendor sa Baclaran!

ISANG ‘investigation data form’ mula sa Pasay City Prosecutors Office na may NPS Docket No. XV-13-INV-23-C 00374 ang hawak natin ngayon!

Tungkol ito sa inihaing kaso ng vendor na si Maritess Jumawan ng GG Cruz Street, Baclaran, Paranaque laban kina Police Major sonny Longboy, alyas Sonny; Police Inspector Alexander Macarunay, alyas Lex; Police Officer Socrates Tuzon, alyas Soc; at Police Office Walid Javier, alyas Wal na pawang naka-assign sa Pasay City Police Station.

Sa apat na pahinang sinumpaang salaysay na reklamo ni Jumawan, sinabi nito isang siyang vendor ng mga damit at sapatos sa Baclaran sa may bahagi ng Pasay City.

Noong December 16, 2022, bandang alas-9:00 ng umaga ay pumunta aniya ang ginang sa Baclaran Substation ng Pasay City upang kausapan sina Tuzon at Javier para payagan siyang maglatag ng panindang damit at sapatos sa gilid mismo ng police station.

Hiningan umano siya ng paunang P25,000 bilang goodwill money sa commander na si Major Sonny Longboy at hiwalay pang P25,000 para naman sa hepe nilang dati na si Col. Bayron Tabernilla.

bukod sa kabuuang P50k ay sinabihan din siya nina Tuzon at Javier na magbigay ng P1,000 para sa kolektor ni Major Longboy na si Esard Larong at hiwalay pang P1k para naman kina Tuzon at Javier.

“sinabihan din ako ni Sgt. Tuzon na wag akong matatakot sa mga vendor na Muslim kasi kaya akong bigyan ng proteksioyon ng isang mataas na pulis na si Tinyente Alexander Macarunay, alyas Lex ng Pasay Police Station na kanilang kaibigan na dapat magbigay ako ng P500 kay Tinyente Macarunay,” ayon pa sa sumbong

Dalawang araw matapos niyon ay agad bumalik sa Pasay police station si Jumawan upang iabot ang hinihinging halaga ng mga pulis.”Para silang mga bata na nag-aagawan sa pera na aking binigay sa kanila,” sabi pa sa complain.

Sinabi nito na habang nasa istasyon siya ng pulis ay nakita niya ang babaing umiiyak dahil hinihingan umano ng P200 para lamang payagan itong madalaw ang asawang nakakulong sa Baclaran Substation. Sa awa ng ginang ay inabutan niya ito ng pera at doon ay nagkuwento sa kanya na ang asawa niyang si Michael Guiam ay pilit hiningan ng pera para lamang mapababa ang kasong drug pushing sa illegal possession na lamang.

Plano na sana maglatag ng kanyang paninda ng biktima kinabukasan, ngunit mula noon hanggang nitong Enero at Pebrero ay hindi nangyari ang kanilang usapan na sa mga naturang halaga ay puwede na siyang magtinda sa paligid ng Baclaran Pasay police station.

Ang masaklap, sa tuwing nagpa-follow up siya ay palagi-lagi siyang pinabalik-balik ng mga pulis na sina Tuzon at Javier.

Nang tangkaing bawiin na lamang ang mga ibinigay na ‘goodwill money,’ ay pinagbantaan pa umano siya ng mga inirereklamong pulis, dahilan upang magsampa na siya ng pormal na reklamo sa piskalya.

ang sinumpaang salaysay ni Jumawan ay tinanggap ni Assistant City Prosecutor Clarence B. Espanol bilang administering prosecutor.

Nang mabas natin ang naturang reklamo, nakaramdam tayo ng lungkot.

Bigla kong naisip na ilang Maritess Jumawan pa kaya ang nabibiktima ng ganito ng mga abusadong pulis?

Maigi at naglakas loob si Gng. Jumawan na magsampa ng reklamo?

Paano na ang ibang mahihina ang loob na walang nagawa kundi tanggapin na lang ang mga mapapait na sinapit ng ilang mapang-abusong alagad ng batas.

Ang alam ko ay bago na ang police station commander ng Pasay City Police sa katauhan ni Col. Froilan Uy.

Umaasa akong ang unang gawin ni hepe ay maglabas muna ng ‘preventive suspension’ laban sa mga inirereklamong pulis upang hindi makaimpluwensiya sa inihaing kaso laban sa kanila.

Umaasa rin tayong magsilbing aral ito sa lahat, mula sa mapang-abusong pulis hanggang sa mga inaabusong indibiduwal na huwag basta maniwala sa mga bulok na ‘modus-operandi’ ng ilang scalawag na pulis.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036

The post 4 pulis-Pasay kinasuhan ng robbery-extortionat grave threat ng vendor sa Baclaran! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 pulis-Pasay kinasuhan ng robbery-extortionat grave threat ng vendor sa Baclaran! 4 pulis-Pasay kinasuhan ng robbery-extortionat grave threat ng vendor sa Baclaran! Reviewed by misfitgympal on Marso 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.