Facebook

56 street dwellers at Children-at-Risk, nasagip sa Caloocan

Nasagip ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamumuno ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kabuuang 56 na street dwellers at Children-at-Risk (CAR ) sa iba’t-ibang barangay kabilang ang 81, 86, 94,95, 135 at 136 sa isinagawang each-out operations noong Biyernes, Marso 3.

Inipon ang mga nasagip na street dwellers at mga bata sa isang holding center sa Barangay 83 kung saan binigyan sila ng medical check-up, pagkain, paliguan, at assessment ng City Social Welfare Development Department (CSWDD).

Matatandaan, idineklara ni Mayor Along na laging nakahanda ang pamahalaang lungsod sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan nito, at may sapat na pasilidad ang lungsod upang matugunan at mapangalagaan ang mga nawalan ng tirahan, inaabuso o ang mga napabayaan ng kanilang mga pamilya. Ipinahayag din niya ang kanyang intensyon na iligtas ang mas maraming indibidwal upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

“Palagi pong handa ang ating Pamahalaang Lungsod na tugunan ang pangangailangan ng ating mga mamamayan, kaya naman pagdating sa mga kababayan nating nasa lansangan at wala ng pamilyang uuwian, sinisikap po nating maglaan ng maayos na kaganapan,” sabi ni Mayor Along.

“Sinisiguro nating ligtas sila at mabibigyan ng wastong atensyon at kalinga. Hangad po natin na mas marami pa tayong matulungang mga kababayan upang maihatid sila mula sa mga kapahamakan sa lansangan,” idinagdag pa n i Malapitan.

Ayon kay CSWDD Action Officer G. Roberto Quizon, matapos bigyan ng agarang atensyon ang pangangailangan ng mga nasagip na mamamayan, matagumpay nilang naibalik ang ilan sa kanila sa kanilang mga pamilya, lalo na ang mga menor de edad; habang ang iba ay itinurn-over sa kani-kanilang lungsod kabilang ang Maynila, Malabon, at Bulacan.

“Pagkatapos po nating ibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasagip natin sa lansangan, matagumpay po natin silang naihatid sa kani-kanilang pamilya, naturn-over na rin po natin ang mga narescue nating street dwellers sa Caloocan na mga taga-Maynila, Malabon, sa Bulacan.”

Nagpahayag si Mayor Malapitan ng kanyang pasasalamat sa mga social worker ng CSWDD para sa kanilang pakikiramay, lalo na sa mga higit na nangangailangan nito.

“Maraming salamat po sa ating mga social worker mula sa CSWDD sa inyong dedikasyon na magbigay ng mapagkalingang serbisyo, anumang oras at panahon. Palagi pong kinikilala ng ating administrasyon ang inyong paglalasakit sa ating mga kababayan sa kalsada at pagtugon sa pangangailangan nila,” wika ni Mayor Along.(BR)

The post 56 street dwellers at Children-at-Risk, nasagip sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
56 street dwellers at Children-at-Risk, nasagip sa Caloocan 56 street dwellers at Children-at-Risk, nasagip sa Caloocan Reviewed by misfitgympal on Marso 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.