Marami ang nag-sasabi kabilang na ang ilang eksperto na hindi na maituturing na isolated case ang sunod-sunod na political killings na naga-ganap sa bansa.
Hindi na anila ito isolated case tulad ng dineklara ni Philippine NationalPolice Chief (PNP) Rodolfo Azurin Jr. bagkus ito umano ay nagiging trending o’ dili kaya”y habitual na ang mga patayang ito sa tuwi-tuwina.
Mantakin niyong sa loob lamang ng halos isang buwan ay ilang politiko na ang napatay na ang huli ay si Negros Oriental Governor Roel Degamo kasama ang walo pang sibilyan.
Ang kaganapang ito anila ay nakakaalarma dahil ito ay may posibilidad na maging threat to national security kung ito ay hindi matitigil at mag tuloy-tuloy.
Para na lamang mga asong pina-patay ang mga lokal na opisyal na ito ng walang kaba at walang katakot-takot na basta na lamang isinasagawa ang kanilang plano sa di-malamang motibo.
Umpisahan natin kay Aparri, Cagayan Vice-Mayor Rommel Alameda at lima niyang kasama na tinambangan sa Nueva Vizcaya makakailan.
Sinundan ito sa pag-ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. na kung saan apat niyang kasama ang napatay sa Bukidnon nito rin nakalipas na buwan.
Pinaka-grabe ang huli nito lamang linggong ito na kung saan walang-awang pinagbabaril ng mga armadong lalaki si Gov. Degamo sa loob mismo ng kanyang compound sa Pamplona, Negros Oriental.
Maliban kay Degamo, nadamay din ang walo pang sibilyan na kina-bibilangan ng isang Barangay Captain at Kagawad. Sa dami ng mga nasawi, tinagurian ito ng mga taga Negros na Pamplona massacre.
Patindi ng patindi ang nagaganap na mga patayang ito… umpisa sa Luzon sumunod sa Mindanao at ang huli ay sa Visaya naman, all-around, here, there and everywhere anila.
Bukod sa mga nabanggit, napag-alaman din na meron ding Barangay Chairman at Kagawad na tinambangan dito lang sa karatig-bayan ng National Capital Region (NCR).
Sa mga pangyayaring ito, ikokonsidera pa ba nating ito ay isolated case? Sa totoo lang daw ay walang such term na isolated case pag dating sa anumang krimen na naganap.
In fairness naman sa PNP, agad naman itong kumilos at umaksiyon na humantong sa agadang pag-dakip sa apat na mga suspect na napag-alamang mga ex-army soldiers na nasibak matapos na madawit sa iba’t ibang kaso.
Magaling at mahusay rin naman ang ating PNP sa trabaho kaya lagi na lang silang magtrabaho ke isolated case o” anumang case higit sa lahat ang “show-case” kaya show-it, ipakita niyo.
The post HINDI NA ISOLATED CASE ANG SUNOD-SUNOD NA POLITICAL KILLINGS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: