Ang naganap na daring assassination kay Negros Oriental Gov.Roel Degamo at sa 8 iba at ang pagkakasugat sa 17 iba pa ay tila prelude lamang sa mas madugo pang senaryo na posibleng sumiklab sa pagitan nina SILG Benhur Abalos at Negros Oriental 3rd District Cong. Arnie Teves.
Matapos nga ang madugo at mapangahas na pagpatay kay Gov.Degamo sa loob mismo ng kanyang compound at ang inilunsad na hot pursuit operations laban sa mga killers ng gobernador, kapansin- pansin ang biglang pag “flooding” ng mga videos sa social media (Facebook at YouTube) ng napatay na gobernador on one end at ang mga videos ni Cong.Arnie Teves on the other end na itinuturong mastermind sa nangyaring krimen.
Sabi ni Teves na iniulat na nasa Iceland ngayon for stem cell treatment, kailangan niyang sumagot at maglabas ng panig sa nangyaring pagpatay kay Gov.Degamo dahil alam nito na siya ang tutumbuking suspect at mastermind sa naganap na brutal na massacre.
Sa hinaba-haba ng video ni Teves,nag focus ito sa depensa na hindi siya ang utak ng pagpatay sa kanyang mortal na kalaban sa pulitika sa lalawigan ng Negros Oriental.
Wala umano silang magiging probetso o pakinabang kung mapatay si Gov.Degamo.
Hindi naman daw papalit na gobernador ng probinsiya ang kanyang kapatid na si Henry Pryde Teves na totoong nanalo bilang gobernador ng Negros Oriental nitong nagdaang May 9,2022 national & local elections kundi ang nakaupong bise gobernador na si Reyes na kapartido at running mate nang napatay na si Degamo.
“Walang logic” sabi pa ni Cong.Teves.
“Kung gagawin ko yun,sana noon pang bago mag-eleksiyon”!
Idiniin ni Teves na eto na ang matagal na niyang kinakatakutan at pinangangambahan na gagawin siyang suspect at ididiin sa isang malaking kaso na matagal na umanong planong gawin laban sa kanya ng isang mataas na opisyal ng Marcos Jr. administration.
Bagamat di tinukoy ni Teves kung sino ito,alam naman ng lahat na si SILG Benhur Abalos ang kanyang pinatutungkulan.
Nag- ugat umano ang galit ni Abalos sa kanya nang i- single-out umano siya ng Kalihim sa isyu ng online sabong.
“Napakaraming operators ng online sabong sa buong bansa bakit bukod tanging ako ang kanyang idinidiin”?
“Gusto pa nyang ipa- raid ang aking mga tahanan para umano makita ang mga illegal na itinatago kong mga baril”.
Pati lisensiya ng mga baril ko at permit to carry ay pina-revoke ni Abalos”,dagdag pa ni Teves.
Ano ba talaga ang galit nitong si Abalos sakin”?
Samantala,nananatiling tahimik naman ang DILG Secretary sa mga birada ni Teves.
Sa isang joint press conference ni Abalos sa kainitan ng hot pursuit operations ng pulisya at military laban sa mga killers ni Gov.Degamo,
sinabi ni Abalos na tinitiyak nya na mananagot sa batas ang sino mang nasa likod ng brutal na pamamaslang na ito kay Gov.Degamo.
“Maging sino man siya”,pagdidiin ni Sec.Abalos.
Base naman sa ating mga impormasyon, lumala ang rift nina Abalos at Teves mula nang masagasaan umano ng industriya ng online sabong ang horse- racing industry kung saan isa si Abalos sa mga opisyal nito being a horse- owner himself.
Nagsanga- sanga na umano ang mainit na patutsadahan ng dalawang malalaking kampo hanggang magpanagpo na nga ang landas ni Teves at Abalos.
Si Teves at Abalos if we are not mistaken ay nagkasama na rin sa Kongreso dahil may ilang panahon ding naging congressman ng Mandaluyong si SILG Abalos.
Noon pa man ayon pa sa sources natin,maasim na ang relasyon ng dalawang mama.
Mukhang umpisa pa lamang ito ng matinding sigalot ng dalawang ito na kapwa nabibilang sa mga sikat na political clans ng bansa.
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post ABALOS VS TEVES SAAN HAHANTONG? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: