MUKHANG napaghandaan ng ilang mga commuters ang pagpasok nila nitong Lunes ng umaga kahit may transport strike.
Bukod kasi sa normal na dami ng mga pasahero ang patuloy na nag-aabang sa PHILCOA sa Quezon City, kanya-kanyang diskarte ang mga pasahero para lamang makapasok sa kanilang mga trabaho.
Isa na dito ang pag-angkas sa mga “habal-habal” na motorsiklo na alam nating iligal.
Babala lang sa netizens, hindi tulad ng mga na-book sa motorcycle hailing app, walang insurance ang pasahero sa mga kolorum na habal habal.
Mas mahal din maningil ang ilan sa mga habal habal, dahil base sa pag-uusap ng rider at pasahero ang bayad lalo na kapag rush hour.
Bagama’t may mga jeepney pa rin bumabiyahe nitong Lunes ngunit kakaunti na ang mga ito.
The post Habal-habal na motorsiklo patok sa transport strike appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: