Facebook

Laban Babae, Laban!

Noon mayroon tayong mga ipinagmamalaking Lydia de Vega at Elma Muros sa track and field, Bong Coo at Lita dela Rosa sa bowling Akiko Thompson sa swimming at Bea Lucero sa taekwondo. Mga Pinay na naguwi ng karangalan sa kani-kanilang larangan sa sports.

Ngayon naman may mga Pilipina tayong sina Hidilyn Diaz sa weightlifting, Alex Eala sa tennis, Nesthy Petecio sa boxing, Yuka Saso sa golf at Margielyn Didal sa skateboarding na ipinagpapatuloy na ilagay ang Pilipinas sa mapa ng mga reyna sa daigdig ng palakasan.

Sa kinagigiliwan na volleyball ay nandiyan ang mga star na sina Alyssa Valdez at Jaja Santiago. Siyempre huwag natin kalimutan ang mga bumubuo ng RP Blu Girls na mga kampeon sa softball sa rehiyon.

Sana marami pang mga katulad nila ang sumulpot at maging mga inspirasyon sa ating mga kababayan. Pahalagahan natin sila at ipagdasal ng ibayong tagumpay. Oo lalo’t International Women’s Month ngayon Marso.

Mabuhay ang mga Pilipinang atleta!

***

May problema lang tayo ngayon kina Jaja Santiago at Yuka Saso. Si Saso ay may ama na Hapon at ang bansa na ng kanyang tatay ang kinakatawan sa golf. Kinailangan niya kasi mamili ng isa lamang na nationality.

Ire naman si Santiago ay napaulat na may alok na maging citizen ng Japan at hindi na pwede maging bahagi ng Team Ph.

Nasimulan na kasi ang proseso sa pagiging Hapon kaya out na siya magsuot pa ng national colors natin.

***

Samantala si Diaz naman ay paboritong makasungkit muli ng ginto sa kanyang event sa women’s 55kg class.

Puspusan kanyang ensayo sa ilalim ng kanyang asawang coach-trainer na si Julius Naranjo.

2nd gold ng kanilang partnership in the bag na nga ba sa 2024 Paris Olympics? Tapos baby naman ang next blessing. Hehe.

***

Sa women’s basketball ay may nagkakaasaran din at nauuwi sa sakitan sa isa’t isa. Oo Romie Mirabueno may basketbrawl din sa kababaihan. Kailan lang ay nagkagulo sa game ng Kentucky at Florida sa Amerika. Siyam na player ang nasangkot na nagsumula lamang sa nagkabatuhan ng bola noong second quarter ng laban nitong Miyerkules.

Naipanalo pa ng Kentucky ang match sa score na 72-57.

The post Laban Babae, Laban! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Laban Babae, Laban! Laban Babae, Laban! Reviewed by misfitgympal on Marso 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.