Facebook

Mag-asawa inireklamo sa ‘Rentangay’ scam

NIREKLAMO ng ilang may-ari ng sasakyan ang isang mag-asawa na tumangay ng kanilang mga sasakyan nang mahikayat sila na parentahan ang mga ito.

Inakusahan ng mga biktima na sangkot sa “rentangay” modus ang mag-asawang Rhofe Ramos Canare at Jenween Canare.

Isa sa mga naloko ng mag-asawa si Jocelyn Mamangon, na kinuha pa ang kaniyang investment sa stock exchange para bumili ng kotse, at pinarentahan sa isang hotel casino.

Ayon kay Mamangon, tatlong buwan lang na naging maganda ang bigay sa kaniya ng mag-asawa.

Pero pagkaraan nito, hindi na naibalik ang kaniyang sasakyan.

Hinahabol din aniya siya ng mga kasamahang nahimok niya ring iparenta ang kanilang mga sasakyan.

“Galit na galit sila sa akin, kasi ‘yung mga pera nila, ako naman nagtiwala ako, walanghiya pala,” dagdag ni Mamangon.

Ayon naman kay Elissa Asistente, isa rin sa mga biktima, hindi na sumasagot sa kaniya ang mag-asawang Canare na nangako na babayaran sa kaniya ng kinsenas at katapusan ng P30,000 kaya siya nagtiwala.

Si Ramon Eleazar, nawalan din ng sasakyan na kaniyang pinarentahan.

“Hindi ko pa maihatid sa’yo yung sasakyan, nasa renter, tapos yung renter may binabantayan na lumpo na na-stroke,” sabi ni Ramon na idinadahilan umano nina Canare.

Kinasuhan na ng mga awtoridad ng carnapping at estafa ang mag-asawang Canare.

The post Mag-asawa inireklamo sa ‘Rentangay’ scam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-asawa inireklamo sa ‘Rentangay’ scam Mag-asawa inireklamo sa ‘Rentangay’ scam Reviewed by misfitgympal on Marso 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.