Facebook

PNP hiniling sa DOJ: Watchlist order vs 11 ‘killers’ ni Salilig

HINILING ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng “lookout bulletin” sa mga sangkot sa pagkamatay sa hazing ng estudyante ng Adamson University na John Matthew Salilig.

Ito’y upang maiwasan na makalabas ng bansa ang may labing-isa (11) pang salarin na nagtatago at pinaghahanap ng mga otoridad na kabilang sa mga sinampahan ng kaso.

Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., naipadala na nila ang mga pangalan ng mga salarin sa DOJ na nasampahan na ng kaso.

“We already coordinated with the DOJ to put on the watchlist itong mga suspek na ito so that at least Immigration will be alerted just in case these people tries to flee outside of the country,” ani Azurin.

Nauna nang inihayag ng pulisya na mayroon 18 katao na sangkot sa hazing na ikinasawi ni Salilig.

Anim sa mga ito ang nasa kustodiya ng pulisya habang isa ang nagpakamatay.

Magugunita na ini-report ng pamilya ni Salilig ang pagkawala ng biktima mula nang magpaalam ito na dadalo sa initiation rites ng Tau Gamma Phi sa Adamsom University Chapter noong Feb 18, 2023.

Makalipas ang isang linggo may nag-report na nawawala at natukalasan ng mga otoridad ang labi ng biktima na inilibing sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite nang ituro ng isa sa mga sumukong salarin.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman binawian ng buhay si Salilig nang hindi nito makayanan ang mga tinamong 70 palo sa katawan sa initiation rites. (Mark Obleada)

The post PNP hiniling sa DOJ: Watchlist order vs 11 ‘killers’ ni Salilig appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP hiniling sa DOJ: Watchlist order vs 11 ‘killers’ ni Salilig PNP hiniling sa DOJ: Watchlist order vs 11 ‘killers’ ni Salilig Reviewed by misfitgympal on Marso 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.