MAHIWAGA ang mundo na ‘di mawari kung ano ang kinabukasan ang naghihintay sa buhay ng nilalang. Walang makapagsabi, malakas ngayon ngunit sa isang sandali’y nariyan at nakaratay sa maraming kadahilanan. Ang hiwaga’y patuloy na nagaganap, ang magkakampi sa nakaraan ang mahigpit na magkatunggali sa kasalukuyan higit buhay at karangalan ang usapin. Maraming hindi makapaniwala na ang magkasama sa maraming panahon ang ngayo’y ‘di nagtitinginan sa dahilang sila lang ang may alam. At walang ibig magsalita sa bawat panig ngunit sumisigaw sa bawat kilos ang hindi pagkakaunawaan. May sugat ngunit walang pilat at dama ang hapdi na kimkim na saloobin ng mga gumaganap.
Sa hindi pagkakaunawaan, nariyan na kumikilos ng palihim at pailalim na masasabing hindi tapos ang alitan lalo’t dama na napabayaan sa sitwasyong dapat kasama. Di sapat ang kasama lang kailangang magkasangga ng maiwasan ang indultong darating sa buhay. Indulto dahil sa mga kagagawan ng nakaraan kung saan ang laban ng bayan ay laban pansarili. Ang layong linisin ang bayan sa umiiral na krime’y tila lumabis sa ‘di mabilang na biktima na sumisigaw ng katarungan. Tunay na nasaktan higit ang mga naiwan ng mga walang malay na biktima ng papogi ng nakaraang pamahalaan. Sa kasalukuyan, nakaamba ang palakol na magsasabi na labis ang laban na isinulong dahil naging biktima ang dapat protektahan. At ang laban na nilatag ang palakol na magdadala ng hustisya sa biktima ng maraming pagpatay.
Silip ang pagwawalang bahala ng kasalukuyang namamahala sa laban na kinakaharap ng dating pamahalaan. At ito ang dahilan ng tahimik ngunit malalim na ‘di pagkakaunawaan . Hindi tanggap ng mga dating nagsiganap na ang kilos ng kasalukuyang liderato’y ‘di angkop na masabing kasama o kakampi. Walang pagtutol, pagkilos o pahayag na nagsasabing na nasa ligtas na katayuan ang mga dating bida na siya nitong kinababahala. Sa galaw ng kasalukuyang pamahalaan, tila ayaw magpakampante ng dati na maghintay ng magaganap sa kinabukasan. Dapat kumilos sa kaligtasan ng mga sarili. Malinaw na hindi makakakuha ng panangga sa kasalukuyang pamahalaan. Ang kumilos at iparamdam na ‘di pa lipas, at kayang magpabago ng sitwasyon sa lipunan. Hindi papayag ang mga bida’t kontrabida na iniharap sa paglilitis higit ang palalong matandang hukluban na puno ng yabang ng ito’y nanunungkulan.
Iba na ang sitwasyon, sa isip na lang tikas ang dating puno ng bansa. Subalit ’di sumusuko lalo’t may usaping maglulubog sa ngalan, na kahit sa pagtulog ay dinadalaw ng mga kaluluwa ng biktima ng pagpatay. Ang bangungot sa pagtulog ang sitwasyong nasisilip na dahilan ng kaganapan na pasan ng bayan. Pasan dahil tila ina-alog sa katahimikan ng bayan ng may usapin sa nakaraan. Sa pagtakbo ng panahon, naglitawan ang mga dahilan na pasan ng bayan. Ang usapin sa liderato ng Sandatahan Lakas at Kagawaran ng Tanggulang Bansa. Mga institusyon na naisalang at napag-usapan sa ngalan na kailangang sanggain ang usapin ng hustisya na kahaharapin ng nakaraan. Hayun nagkaroon ng palitan at nasiyahan ang grupo ng Inferior Dabaw Group sa naganap. Nasiyahan dahil ibinalik at nakaupo ang mga dating tauhan na masasandalan sa kinabukasan. Magtutuloy – tuloy ba ang kasiyahan?
Sa paglalarawan sa binangit sa itaas, naalala ni Mang Juan ng magtungo ang ilang Euro Officials sa bansa at nakausap ang marami ngunit ‘di ang grupo ng Inferior Dabaw Group. Dahil sa hindi pinansin, nag-ingay ang grupo at nagsabi ng kung anu-ano na di nakakuha ng sagot sa mga bisita. Nagbunsod ang pag-iingay sa isang jail break ng makapasok sa silid ni dating senadora D5. Pasalamat at alang naganap na masama kay Gng. D5, ngunit nagdulot ito ng pangamba sa bayan at mamamayan dahil masasabing isang malaking opisyal ang senadora.
Pangalawa, ‘di mawala sa isip ni Mang Juan ang naganap sa radio commentator na madalas pakinggan ang matapang na komentaryo sa mga isyung bayan. Na isang gabi, ito na ang balita dahil pinaslang habang patungo sa himpilang pinapasukan. Sa totoo lang hindi pa natatapos ang usapin ng komentaristang ito at humalili ang kapatid na kasing-init ang komentaryong maririnig. Pero nahan ang hustisya, bakit alang makasuhan at puro turuan ang nagaganap. O’ sinasadya nilang tao’y malito.
Bilang panghuli, tuwiran ang pagiging palasak ng mga salarin dahil ‘di na hinintay lumabas ng bahay ang bibiktimahin, pinasok ang tahanan at doon nilantakan ang biktima. Walang masabing motibo upang magalit ang mga salarin, ngunit sa magkanong halaga’t walang takot na pinasok ang bahay at doon inutas. Sa totoo lang, sa anong dahilan ang mga salarin upang paslangin ang biktimang si Gob. Degamo ng Negros Oriental? Tanong, bakit sinadya at sino ang may dahilan upang gawin ang karumal dumal na krimen? O’ may ibig patukuyan dahil batid na ‘di ito kasangga sa nakaraang halalan. Ang may maganap na krimen higit sa biktimang ‘di kasanga’y sapat na para maalog ang liderato ng bansa? O’ baka may malaking dahilan upang gawin ang krimen. Tunay na nakakabahala ang pangyayari.
Sa mga naganap sa nakaraan, mula sa pagbisita ng mga European sa bansa, usapin ni D5, regudon sa DND at AFP hanggang sa pagpaslang sa Gobernador ng Negros Oriental, may ibig ugain o patuloy na inuuga upang makuha ang pagkiling sa usapin na kahaharian ng kung sino. Totoo bang may lakas ang kung sino na hangang sa kasalukuyan kaya nitong maghasik ng kaguluhan. Sino ito’t‘ bakit di mabatid o’ mamukhaan o makilala? O’ takot na alamin kung sino at baka mabaling ang ngingit sa kanila..
Sa mga opisyal na may Intelligence Fund, bawasan ang pondo at paganahin ng malaman ‘di lang ang salarin pati ang ulo at utak ng mga pagpaslang. Gamitin ang pondo sa layon na dapat paggamitan at ‘di kung saan saan. Naghahanap si Mang Juan ng tunay na kalutasan sa usapin na ‘di galing sa bolang kristal o tarot card ang resulta ng mga pag-usisa. Magkaisa kayo na ang kalutasan ng usapin ang maglalagay sa estabilidad ng bansa. O’ tunay na inaalog ang pamahalaan upang malaglag ang nasa puno ng Balite sa Malacanan na hindi kinakitaan ng magandang kilos para sa mga taong hinahagilap ng ICC. O baka kailangang gumalaw si Galema ng Palasyo upang malutas ang usaping bayan.
Boy Pektus, kilusan ng maayos ang mga kaganapang ito ng masiguro na ang hindi pang isa o dalawang taon ang iyong liderato. Ipakita na ika’y sa tama at ‘di yuyukod sa sinuman kahit kilalang berdugo sa kanyang bayan. Atasan ang mga tauhan na lutasin ang mga usapin, alamin ang puno’t dulo at bigyan katarungan ang mga biktima ng mga kaganapan. Huwag hayaan na patuloy na alugin ang pamahalaan at baka lumundo ang inuupuan at mapalitan ng anak ni Buang…
Maraming Salamat po!!!
The post TULOY TULOY NA INAALOG appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: