NAKIPAGPULONG si Vice Mayor Yul Servo Nieto sa technical working group ng The Manila Film Festival kamakailan upang pag-usapan ang paglulunsad nito sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24, 2024.
Ang pulong na ginanap noong February 23, 2023 sa tanggapan ng Bise Alkalde ay pinag-usapan ang mahahalagang bagay katulad ng timelines sa TMFF at pagsusumite ng screenplays.
Pinag-usapan din ang target dates para sa review ng mga isusumiteng screenplays ng mga kalahok na eskwelahan, pati na rin ang screening sa mga sinehan sa Maynila sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila ngayong taon. Ito ay sa kabila na wala pang pinal na araw na naitatakda.
Nabatid kay Nieto, na layunin ng Festival na magbigay ng inspirasyon sa mga Manileños, lalo na mga batang mahihilig sa cinematography , na gamitin ang kanilang talino sa paggawa ng pelikulang Filipino para mapanood sa Maynila sa paggunita ng anibersaryo ng pagkakatatag nito.
“Gusto po naming bigyan ng magandang saysay at karagdagang kasiyahan ang nalalapit na pagdiwang ng Araw ng Maynila, sa pamamagitan ng maayos na pag buhay muli ng Manila Film Festival.” , pahayag ni Nieto na isa ring premyadong aktor.
Ang TMMF ay proyekto nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pakikipagtulungan sa Artcore Productions. Ang muling binuhay na TMMF ay isang programa ng dating First Lady Imelda Romualdez Marcos noong unang bahagi ng dekada 70 pero natigil nang ilunsad ang Metro Manila Film Festival. Muli itong binuhay ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila. (ANDI GARCIA)
The post VM Yul, nakipagpulong sa working group ng TMMF appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: