Facebook

DROGA AT PDEG

NAGKAHETOT-HETOT ang pagsasalarawan ng ating kaibigang broadcaster na si “Ka Rene Sta. Cruz” sa mga kaganapang kinasasangkutan ng ating pambansang kapulisan partikular na ang Police Drug Enforcement Group o’ PDEG.

Maging ang imahe ng bumabangon na Philippine National Police ay nadamay sa iskandalong nabunyag sa kagagawan ng mga opisyal at operatiba ng PDEG sa itinuturing na isa sa pinaka-malaking huli ng iligal na drogang ‘shabu’ na nangyari noong isang taon pa.

Bukod sa halos isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng lagpas anim na bilyong piso (P6.7B) na napasakamay ng isang low ranking policeman at itinago sa Wealth and Personal Development (WPD) lending office sa Jose Abad Santos Avenue, Sta. Cruz, Manila, eh lumobo ito sa napakaraming imbestigasyon.

Mayroong binuong review panel si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. at inatasan ni ang National Police Commission na magsagawa rin ng sariling imbestigasyon. Ang Kongreso ay ganun din, pinatawag ang lahat ng police officials na sangkot sa iskandalo.

Iskandalo, dahil nabisto na ang huling shabu ay nabawasan, naibalik ngunit kulang. Kung ganito ng ganito ang kaganapan, paano nga naman natin mapagtatagumpayan ang laban sa iligal na droga.

Kaya ano man ang kalalabasan ng mga imbestigasyong ipinatawag, kailangan talagang may masamplelan sa iskandalo na ito sa hanay ng kapulisan.

PNP ang naatasan mag-bibigay ng proteksiyon sa lipunan, ngunit kung ganito naman ang ating mga babalitaan na mismong kapulisan ang nagpapatakbo ng sindikato ng iligal na droga, nakababahala talaga.

Paalala lamang sa ating kapulisan, mayroon kayong tungkulin na sinumpaan, huwag niyo sanang bahiran ng kasamaan ang sumpang ito.

The post DROGA AT PDEG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DROGA AT PDEG DROGA AT PDEG Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.