
GARAPAL ang pagiging switik na host ng Cambodia sa ginaganap na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh.
At all cost ay kailangan mamayagpag ito sa pagsungkit ng medalya upang ipagmagaling sa rehiyon na sports power sila kahit hindi naman.
Pinagkagastusan nila nang husto ang pamimirata ng mga players mula kanluran upang katawanin ang bansang mahusay lng sa guerilla warfare tulad ng Vietnam.
Mga negrong ‘kano at caucasian European na suot ang unipormeng may bandila ng Cambodia ang isinabak ng lahi ni Polpot kontra karibal na Asean nations tulad ng Pilipinas, Malaysia, Thailand, Vietnam, Indonesia, Singapore, Myanmar, Laos, Brunei at Timor Leste.
Ang mga bansang nabanggit ay mayroon ding naturalized players na isa o dalawa pero ang Cambodia,halos lahat ng sports ay may naturalized sila at ang pinalamatindi,sa basketball ay anim ang ginawang Cambodian nationals na egoy at puti.
Hataw sa medal tally ang dating laging kulelat na Cambodia at nilagpasan pa ang Pilipinas sa standing courtesy ng kanilang pinagkagastusang nang husto na naturalized players.
Pilit silang nagpalakas partikular sa larangan ng basketball.Ang siste,wala pala silang standard na basketball court.Imagine,ang flooring na dapat ay hardwood,nilagyan lang ng linoleum ang sahig na lubhang delikado sa mga manlalaro na baka maging career ending habang nakkipagtutunggali para sa kanilang bansa.
Delikado iyan para sa Gilas Pilipinas na may mga kinabukasan sa basketball na masisira lang dahil sa kagagawan ng CAMSOC.
Dapat din ay nag-ocular muna ang mga opisyal ng Gilas Pilipinas kung FIBA standard ang kanilang playing venue para naayos sana ang basketball arena sa dating Kampuchea bago ang SEAGames.
Hindi iyong sasabihin na lang ni coach Chot Reyes na yayakapin na lang nila ang io- offer ng dating Kampuchea kahit delikado..Nampuchea naman… tsot ‘maryosep!
The post GARAPALAN SA CAMBODIA SEAGAMES appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: