Facebook

Matteo lulundag na sa Kapuso; Valerie nag-mature nang magkaanak sa edad na 16

Ni ROMMEL PLACENTE

SO, lilipat na rin pala sa GMA 7 si Matteo Guidicelli.
Ito ang ibinalita ni Boy Abunda noong Martes, sa segment ng kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda na Today’s Talk.
Chika pa ng King of Talk, nagsimula nang mag-shoot si Matteo para sa ilang promo ng pagdating niya sa GMA.
Ngayong Huwebes ang pagpirma ng kontrata ni Matteo sa GMA Public Affairs kasama ang mga big boss ng Kapuso network.
Nauna nang nabalita na magiging Kapuso na si Matteo noong August, 2022 kung saan magiging bahagi raw ito ng Kapuso morning show na Unang Hirit.
Pero hindi ito natuloy dahil siya ang napiling pumalit pansamantala kay Billy Crawford bilang co-host ng defunct noontime show na Tropang LOL ng TV5.
Nagpunta kasi si Billy sa France dahil isa siya sa napiling contestants sa Danse avec les stars.
***
AYON kay Valerie Concepcion, malaki ang naging pagbabago sa buhay niya mula nang maging isa na siyang magulang kay Heather Fiona.
Sabi ni Valerie sa mediacon ng serye nila na The Seed Of Love,“Malaki ang pinagbago ng buhay ko simula nang nagkaanak ako kasi 16 years old ako when I had my daughter. So, ano bang alam ko?
“Totoo pala ‘yung sinasabi nilang maternal instinct na kapag nagkaroon ka na ng anak, lalabas talaga ‘yung kahit hindi mo alam, ‘yung natural na pagiging nanay.”
Dagdag pa niyang paliwanag, “Tapos, ‘yung bigla kang magma-mature and magkakaroon ng direksyon ‘yung buhay mo kasi parang, ‘Ah, ito pala ‘yung purpose ko sa buhay, ‘yung mapalaki ko ‘yung anak ko nang maayos, na kahit ako lang mag-isa, with the help of my parents, na dapat kayanin ko siyang mapalaki nang maayos.’
“Malaki, malaking-malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ko simula nu’ng magkaroon ako ng anak,” sey pa ni Val.
Ang The Seed of Love ay napapanood si GMA Afternoon Prime, 4:05pm.
Iikot ang kuwento ng serye sa mag-asawang Bobby (Mike Tan) at Eileen (Glaiza de Castro) na magkakaanak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization.
Ngunit sunud-sunod na pagsubok at trahedya ang haharapin ng mag-asawang Mike at Glaiza hanggang sa pumasok na nga sa eksena si Valerie na wawasak sa pagsasama nila.

The post Matteo lulundag na sa Kapuso; Valerie nag-mature nang magkaanak sa edad na 16 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Matteo lulundag na sa Kapuso; Valerie nag-mature nang magkaanak sa edad na 16 Matteo lulundag na  sa Kapuso; Valerie  nag-mature nang magkaanak sa edad na 16 Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.