Facebook

PAIHI OPS SA TUNGKI NG ILONG NINA MALVAR MAYOR CRISTETA REYES AT MAJ. JONATHAN AMUTAN!

ANG Malvar sa lalawigan ng Batangas ay isang 3rd class municipality na kilala sa doormat making at pinanggagalingan ng masarap na nata-de coco, gayundin ng ibat – ibang uri ng coconut candies.

 

Sa paglipas ng panahon, ang Malvar ay unti-unting nakakaahon sa kahirapan dahil naging paborito ng mga mangangalakal na nagbibigay ngayon ng di matatawarang buwis sa bayan ng mga kababayang ala e.

 

Pero kaalinsabay ng pagdami at paglago dito ng mga negosyo ay ang pagsulpot din ng mga tinatawag na salot sa lipunan na nagsisilbing balakid sa pag-angat at pag-unlad ng bayan ng Malvar.

 

Ang salot na ito ay yaong mga tinatawag na mga drug lord at iligalistang naghahasik ng krimen sa pamamagitan ng pag-ooperate ng ibat- ibang uri ng kailigalan tulad ng STL con jueteng, pergalan (perya at sugalan), gayon din ang oil at petroleum product pilferage na kilala sa tawag na paihi, pasingaw, patulo at buriki na  nag-ooperate sa mga hayag na lugar ng nasabing bayan.

 

Isang halimbawa nito ay ang sindikato ng paihi o buriki sa Brgy. Bulihan ng mag-tandem na paihi o buriki lord na sina Ed at Rico na napakatagal na ang operasyon sa nasabing barangay ngunit tila hindi alam ni Mayor Cristeta Reyes.

 

Bilang Police Chief, imposible naman yatang hindi rin alam ito ni Major Jonathan Amutan lalo’t 24/7 ang pagnanakaw ng grupo nina Ed at Rico ng mga oil at petroleum product na lulan sa mga tanker truck na nagmumula sa mga oil at petroleum depot sa mga bayan ng Mabini, Bauan at Batangas City.

 

Lahat na uri ng mga kalakal na pwedeng burikiin ay idinadaan ng mga kakutsabang tanker at cargo truck driver sa kuta nina Ed at Rico na imposibleng lingid sa kaalaman ng mga barangay official ng Bulihan.

 

Kumbaga, nasa tungki lamang ng ilong nina Mayora Reyes, Major Amutan ang lugar ng paihian nina Ed at Rico pero bulag, walang nakikita at bingi ang mga ito (Mayora Reyes at Maj. Amutan) dahil hindi naririnig ang mga reklamo ng residente sa malaganap na nakawan ng petro products sa kanilang bayan.

 

Maging ang mga operator ng mga tanker at cargo truck at ang negosyante na napagnanakawan ng grupo nina Ed at Rico ay nagpaabot na din ng kanilang reklamo sa tanggapan ni Mayora Reyes at Major Amutan ngunit nanatiling dedma lang ang mga ito sa labag sa batas na pinagkikitaan ng milyones ng magpartner -in crime na Ed at Rico.

 

Ipinagyayabang naman ng kampo nina Ed at Rico sa ating mga KASIKRETA na may palibreng pananghalian sila araw-araw sa mga miyembro ng Malvar Police Station kaya kampante ang mga ito (Ed at Rico) na hindi sasalidahin nina Major Amutan at ng kanyang mga kagawad ang kuta ng burikian sa Brgy. Bulihan.

 

Dahil hindi kinakanti at hinuhuli ang paihi, nagdududa tuloy ang mga residente ng Malvar at ang mga apektadong tanker at truck hauler operator na baka nasusuhulan nina Ed at Rico sina Mayora Reyes at Major Amutan ganon din si Batangas Provincial Director Col. Pedro Soliba pagkat di rin ito kumikilos laban sa nasabing paihi o buriki operation.

 

Nagdududa rin ang mga mamayan na baka nasusuhulan din nina Ed at Rico ang tropa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno ni Provincial Officer LtCol. Victor Sobrepena na matagal ding na-assign bilang hepe ng pulisya ng bayan ng Malvar noong isa pa lamang itong police major?

 

Talamak din ang operasyon ng paihi, pasingaw, patulo at paawas ng oil at petroleum, maging ng liquified petroleum product (LPG) sa CALABARZON area, katunayan liban sa bayan ng Malvar ay may isa pa ring paihian sa Brgy. Salong, sa bayan ng Calaca ang mga iligalistang sina Glen at Dodong.

 

Liban sa mga nabanggit na paihian ay lantaran din ang operasyon ng naturang mga iligalista sa lalawigan ng Quezon tulad ng paihian ni Troy sa Brgy. Lalig, Tiaong; paihi ni Lanie sa Brgy. Malabanban, Candelaria; paihi ni alias Sammy sa bayan ng Guinyangan at pasingawan ng LPG product at paihian ni Eric sa Brgy. Bocohan, Lucena City, pawang sa lalawigan ng Quezon.

 

Sa kabila ng panawagan ng mga Quezonian sa mga paihi at buriki operation kina Governor Helen Tan at Quezon PNP Provincial Director Col. Ledon Monte ay tila nagtetengang kawali naman ang naturang mga provincial executive laban sa mga itinuturing na economic saboteur na nag-ooperate sa probinsya ng Quezon.

 

Nakapagtataka namang kung kailan pa lumuklok bilang bagong PNP Regional Director si PBGen. Carlito Gaces ay saka naman lalong lumakas at bumangis ang operasyon ng lahat na gawaing iligal sa CALABARZON area.

 

Ang full-blast operation ng illegal gambling tulad ng STL con jueteng, pergalan (perya at sugalan), petroleum, oil pilferage (paihi o buriki) at illegal logging ay kasunod ng pagbibigay ng go signal ng isang Billy Joe na mag-operate na ang lahat na mga iligalista para makalikom ng milyones na halagang pasalubong sa kauupong General Gaces.

 

Tiyak na kung tatanungin naman si PBGen. Gaces ay di nito kakilala si Billy Joe at ang bagong kapustahan (tong kolektor) sa mga pergalan (perya at sugalan) sa area of reponsibilty (AOR) ng heneral.
***
 Para sa komento: Cp. No. 09664066144
.

The post PAIHI OPS SA TUNGKI NG ILONG NINA MALVAR MAYOR CRISTETA REYES AT MAJ. JONATHAN AMUTAN! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PAIHI OPS SA TUNGKI NG ILONG NINA MALVAR MAYOR CRISTETA REYES AT MAJ. JONATHAN AMUTAN! PAIHI OPS SA TUNGKI NG ILONG NINA MALVAR  MAYOR CRISTETA REYES AT MAJ. JONATHAN AMUTAN! Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.