Facebook

Suspek sa Degamo slay nagpapasaklolo sa CHR: NBI, DOJ hostage ang pamilya

NAGPAPASAKLOLO sa Commission on Human Rights ang isang hinihinalang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Huwebes, na sinasabing dalawang buwan ng nawawala at hinihinalang naka-hostage ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang pamilya.

Hiniling ni Jhudiel Roxas Rivero a.k.a Osmundo R. Rivero, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Danny Villanueva, kay CHR chairman Richard Palpal-Latoc na imbestigahan ang umano’y pagdukot ng NBI sa kanyang pamilya.

Sa isang press briefing nitong Huwebes sa Quezon City, sinabi ni Villanueva na “Dapat din igalang ang mga karapatan ni Rivero” gaya ng nakasaad sa ating Saligang Batas.

“Ang mga karapatan ng mga akusado ay dapat igalang, at anumang mga paglabag sa mga karapatang ito ay dapat matugunan sa isang mabilis at epektibong paraan,” ayon kay Villanueva.

Sinabi ni Rivera, sa isang sinumpaang salaysay, na ang kanyang pamilya (asawang si Quennie, stepson na si Christian at dalawang taong gulang na anak na si Jophiel) ay kinuha umano mula sa kanilang bahay sa Zamboanga del Sur noong Marso 8, 2023 at dinala sa Pagadian City, para umano sa layunin ng seguridad at mabigyan proteksyon. Noong Marso 14 ayon sa ipinadala kay Rivera ng kanyang kapatid na babae, ang pamilya ay kinuha umano ng NBI. Mula noon ay wala nang komunikasyon si Rivera sa kanyang pamilya.

Kaugnay nito sinabi ni Villanueva na hihingi din sila ng tulong kay Justice Secretary Crispin Remulla para kumpirmahin na ligtas ang pamilya ni Rivero.

Samantala ipinahiwatig ni Atty. Villanueva na ang pamilya ni Rivero ay ginagamit bilang bargaining chip laban sa kanyang kliyente, para pilitin si Rivera na huwag bawiin ang kanyang naunang sinasabing “readied statement” na binago ng dalawang beses matapos siyang arestuhin at isangkot sa pagpatay kay Degamo.(Boy Celario)

The post Suspek sa Degamo slay nagpapasaklolo sa CHR: NBI, DOJ hostage ang pamilya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suspek sa Degamo slay nagpapasaklolo sa CHR: NBI, DOJ hostage ang pamilya Suspek sa Degamo slay nagpapasaklolo sa CHR: NBI, DOJ hostage ang pamilya Reviewed by misfitgympal on Mayo 19, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.