Facebook

TSINA, NAG-IISA

TAGLAY sa liham noong ika-20 ng Mayo ng sugo ng Japon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ang mensahe na nag-iisa sa international community ang Tsina. Binanggit ng sugo ng Japan sa Filipinas na si Kazuhiko Koshikawa na nagsama-sama ang mga maunlad ng bansa, o ang tinatawag na Group of Seven (G-7) at mga kaalyado na tutulan ang pangingibabaw ng Tsina sa South China Sea.

Nagbuklod-buklod sila na suportahan ang 2016 desisyon ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Laws of the Seas (UNCLOS) na nagbasura sa Nine-Dash Line Theory, ang batayan ng Bejing sa pag-aangkin sa halos kabuuan ng South China Sea, ani Koshikawa sa kanyang kalatas kay Garafil.

Binubuo ang G-7 ng mga bansang Canada, Francia, Alemania, Italia, Japon, United Kingdom, at Estados Unidos at binuo nila ang pagtutol sa isang pulong kamakailan ng kanilang mga lider sa Tokyo. Kasama ng G-7 na tumutol ang mga kasaping bansa ng Quad, isang alyansang militar ng Estados Unidos, Australia, India, at Japan.

Hindi nalalayo sa mga kasaping bansa ng G-7 at Quad, ang 26 na kasaping bansa ng European Union na naunang tumutol sa nais ng Tsina na maghari sa karagatan ng pinagdadaanan ng mahigit sa $7 trilyon na kalakal taon-taon sa pagitan ng Gitnang Silangan at ibang bansa.

Hindi binanggit ang Filipinas sa liham, bagaman batid ng mundo ang Filipinas sa pamumuno ni Benigno Aquino III ang nagdala ng sakdal sa UNCLOS. Ipinagdiinan ni Koshikawa kay Garafil na mahalaga ang kasunduan ng mga mauunlad ng bansa at Quad upang patatagin ang kapayapaan at katahimikan sa South China Sea at Taiwan Strait.

Kung mag-isa ang Tsina, ano ang matwid ng Beijing upang patuloy na maging agresibo at mapanuwag sa mga karatig na bansa?

Marapat na panatilihin ng Tsina ang katahimikan sa rehiyon ng Silangang Asya, at South China Sea at Taiwan Strait at alisin ang mga kanilang sasakyang pandagat na simbolo ng kanilang pag-angkin sa karagatan. Kailangan manatili ang karapatan ng maraming bansa na magkaroon ng kalayaan maglayag sa karagatan para sa tungkulin ng malayang kalakalan.

Sa desisyon ng UNCLOS, kathang isip ang batayan ng Tsina na angkinin ang South China Sea. Wala itong batayan sa kasaysayan at sa batas. Gawa-gawa lang ito ng Tsina upang bigyan ng katuparan na kunin ang yamang dagat ng South China Sea at ipagkait ito sa Filipinas.

***

NAGMUMUKHANG tanga si Manuel Mamba, ang kontrobersyal na gobernador ng Cagayan. Sila lang kasi ang humihingi na palakasin ang relasyon ng Filipinas at Tsina. Dumalo si Mamba sa isang conference sa Hangzhou noong ika-24 ng Mayo. Namutawi sa bibig niya ang pagbatikos sa Estados Unidos dahil sa pagpili ng kanyang lalawigan bilang kasama sa mga lalagyan ng base militar sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Tanging sila lang ni Rodrigo Duterte ang kampi sa Tsina. Hindi makaporma si Gongdi dahil wala na siya sa poder. Hindi siya nalalayo sa tumandang kalabaw na nanatiling nakasinghaw sa kanyang lungga sa Davao City. Wala ng ngipin si Gongdi at bistado sa buong international community na aso ng Tsina. Mukhang iyan ang kapalaran na naghihintay kay Mamba. Hindi kami magtataka na matalo si Mamba sa susunod na hahalalan. Mahirap ipaliwanag ang kanyang posisyon sa isyu dahil patuloy ang Tsina sa pagkamkam ng ating teritoryo sa West Philippine Sea. Patalo at walang panalo dahil walang susuporta sa kanya.
***
KONTROBERSYAL ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa usapin ng sobrang gastos ng gobyerno. Kailangan na talagang magkaroon ng bagong kaayusan sa grid system. Malinaw ang posisyon ni Sen. Risa Hotiveros. Pakibasa ang kanyang pahayag:

I have been pushing for a refund since the 18th Congress, when we discovered NGCP’s unconscionable greed with its reward payouts, tax breaks, and high returns because of its high WACC. In this very profitable business, strong penalties are needed to send the message that those who abuse their power are subjected to strict disciplinary measures. Imposing penalties can be in the form of a refund or stocks that consumers own.

The planned review of the Concession Agreement and the pursuit of the non-renewal of the NGCP contract should lead to serious rethinking on what grid system the country should rebuild and sustain in consideration of the failed EPIRA and on the other side the revolutionary developments in smart grid and micro-grid systems powered by renewable energy resources. In the immediate, we have been calling for the transfer of system operations back to TransCo.

The ERC can also prohibit NGCP from exercising prerogatives in classifying yearly net income as retained earnings under shareholder’s equity, therefore prioritizing dividend payouts over CAPEX during the last 14 years. Even in the absence of an ERC order, as a condition of their franchise, the NGCP must pass a resolution restricting the payout of any dividend where CAPEX for transmission expansion remains unfulfilled during the five-year rate recalibration period that allows them to collect subject to an allowable WACC ceiling.

ERC must adhere to its mandate to penalize the abuse of market power in the electricity industry to protect the interest of Filipino consumers. Kailangan ng pangil ng ERC para disiplinahin ang NGCP, kung hindi paulit-ulit lang talaga ang problema sa kuryente dahil wala namang napaparusahan. If the ERC fails to punish NGCP, we’re letting down Filipino consumers, too.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Be nice to the people on the way up because you’ll meet them on your way down.” – Wilson Mizner

“The way out is through the door.” – Tina Turner, rock star

“After the Permanent Court of Arbitration in The Hague has dismissed China’s claim over the South China Sea, of which the West Philippine Sea is a part. It says: ‘This is funny. China keeps on insisting on what it has described as ‘historical ownership’ of the contested isles. The truth of the matter is that China never had any historical presence in any part of the Western Philippine Sea. What it claimed as ‘historical ownership’ is based mainly on the disgusting fact that Chinese pirates kept on marauding the western part of the Philippines. China could never claimed ownership of those contested isles and any part of the Philippine Sea so long as its previous presence was limited to those Chinese bandits, who pillaged our villages, raped our women, killed our men, and stole our children to sell as slaves in some parts unknown. Piracy is not a basis for historical claim and ownership. So much of this rubbish…’” – PL, netizen

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post TSINA, NAG-IISA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TSINA, NAG-IISA TSINA, NAG-IISA Reviewed by misfitgympal on Mayo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.