Facebook

ALISIN ANG YABANG

Karaniwan sa tao ang pagkakamali lalo’t nagsusumikap ng marating ang pangarap. Hindi dapat itago ang pagkakamali dahil daan ito sa pagkalap ng payo sa kaninumang nilalapit, higit ang may karanasan. Hindi kailangang maging brusko ang pagdadala sa sarili higit sa bagong naka-ulayaw. Ang pagsasabi ng galing sa buhay tulad ng yaman, natapos sa pag-aaral, saang unibersidad o pamantasan nagtapos maganda sa una, ngunit hanggang doon lang iyon. Sa huli, tila nagiging balakid sa pagbubukas ng kalooban ng kausap, at bantulot ipaalam ang damdamin dahil sa yabang ng dating sa bagong kausap na akala mo’y nakikipagtagisan. Sa halip na magkapalagayan ng loob mas lumayo ang damdamin ng bagong kakilala. Sa rason na sarili lang ang dala at walang pakialam sa damdamin ng kausap. Tanong may batid bang tao “ikaw na nagbabasa” na ganito ang dating sa una at sa huli’y puro sala ang kinalabasan ng kayabangan.

Sa mga bagong nagsipagtapos ng pag-aaral karaniwang nasa isip ang pabibo na ginugulat ang kausap sa pinanggalingang pamantasan o saan konektado sa trabaho. Nariyang pinangangalandakan ang laki ng sweldo at posisyon sa trabaho sa bagong kakilala. Subalit o ayon sa pag-aaral, nakaka-turn off ang dating sa kausap lalo’t sa bagong kaibigan. Hindi lumalago o dumadami ang kaibigan ng mga taong sarili ang una higit ito’y iniiwasan dahil sa yabang na dala. Madalang sa patak ng ulan kung marami ang kaibigan ng ganitong tao. Karaniwan sa mga taong sarili ang dala’y literal na bumibili ng kausap upang mayroong mapaglipasan ng oras. Sa totoo lang, ang mga kausap ng taong sarili ang bida’y kapwa interes ang dala. At ito’y maling hakbang na dapat ituwid higit sa kabataang nag-uumpisa sa kanilang karera sa buhay.

Sa katunayan, ang kababaang loob sa pakikipag-usap ang ikasasaya ng kausap higit kung kinakikitaan ito ng sinseridad. Hindi kahinaan sa pagkatao ang paghingi ng payo sa mga kausap lalo’t propesyunal ang nakadaupan. Ang paghingi ng payo sa kausap ay tunay na ikinagagalak dahil kinakikitaan ito ng kalakasan dahil sa paghahanap ng karagdagang kaalaman sa pinag-uusapan, maging sa buhay. Nagiging malalim ang pagkilala ng kapwa sa mga tanong na ibinabato higit sa pagkatao at kung paano dalhin ang sarili sa usapin. Nababatid sa usapan ang kabukasan sa mga bagong ideya na magagamit sa kinabukasan sa buhay. Hindi lang sa mga propesyonal ipinamamalas ang kahusayan sa pakikipag-usap maging sa mga balana na tikom ang bibig sa mga bagay na malayo sa kanilang karanasan.

Ayon sa pag-aaral, hindi kahinaan ang paghingi ng payo at pagtatanong sa kausap dahil nagbubukas ito sa mas mahalagang usapin na susi sa hulihan ng loob. Ang pag-uusap na may puso ang nag papalapit sa bagong magkakilala lalaki sa lalaki, babae sa babae o lalaki sa babae. Masasabing isa itong arte ngunit ito’y karaniwan sa tao dahil ang puso ang nangungusap at ‘di ang diwa, ang nadarama ang naipapahayag sa pasalitang paraan. Sa pag-uusap, unti-unting bumubuka ang pagtangap sa kausap na nagsasabing tama ang naganap dahil nakapagdagdag ng kaibigan. Malaking hakbang sa taong bukas sa usapan dahil nababalikan ang kaalamang matagal na naitago o bagong kaalaman. At nagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili pag-uusap ang dahilan ng pagiging matagumpay sa buhay, kahit ‘di kagandahan ang karakas ng harapan. Di ba tunay na nakasisiya.

Sa usapan nabubuo ang tiwala sa kausap higit nawawala ang takot na napapalitan ng magandang palitan ng kuro-kuro at kaalaman na kinasisiya ng nag-uusap. Hindi maikukubli na magiging malaman ang usapan na masasabing isang maayos na paraan ang pakikipag-usap at maaaring magamit o gamiting medium sa gawain sa paaralan. Sa totoo lang, isang malaking silid aralan ang pamayanan na tinitirahan ni Mang Juan na puno ng kaalaman depende sa gustong malaman. Ang buhay ng tao sa pamayanan o lansanga’y isang malawak na teorya na kapupulutan ng kaalaman ng mga iskolar.

Sa pakikipagusap, huwag alisin sa sarili na ito’y paraan na pangangalap ng kaalaman maging ng bagong kaibigan. Hindi tama na mauna sa pakikipag-usap ang layong pansarili. Lumang tugtugin ang pagbebenta ng sarili sa kapwa o kausap at ito’y gawain ng mga politiko na sarili ang dala at saka na ang bayan. Mainam na sa pakikipag-usap, ang pagbabahagi ng kaalaman ang una higit sa pakinabang sa kapwa o ng lipunan ang pinag-uusapan. Maraming usaping bayan, higit ang pakinabang ng iilan sa kabang bayan na pasanin ni Mang Juan. Ang palitan ng kaisipan kung paano matitigil ang gawin sa mas malaking paraan. Alisin sa kaisipan ikaw / ako ang magaling kahit sa pagbabahagi ng kaalaman . Litaw ang kayabangan ng taong ganito ang asal.

Sa pag-uusap walang nakakahigit o mababa dahil ‘di batid ng magkabila ang pinagdaanan, kahit ang bossing sa mga kompanya’y ‘di batid ang pinagdaanan ng ibig pumasok sa kompanya. Sa pag-uusap matatalastas ang kagalingan ng kausap, higit sa sagot na tinutugon o tanong na ibinabato. Magagamit sa pagtatasa sa aplikante ang pagka ibig sa pinapasukan kung may tanong na masasabing linyado sa kompanya. Hindi ipinagmamalaki kung ano ang meron o ng kakayanan, sa halip kung paano makikibahagi sa kagalingan ng papasukan ang linya ng sinasabi.

Sa kabilang banda, hindi maitatago ng kausap ang pag ibig dahil sa karagdagang kaalaman na makukuha. Ang bawat tanong at tugon na ibinato’y kaalaman na magamit sa hinaharap. Mabuting paraan ang pakikipag-usap sa taong sagana sa karanasan higit sa papasukang trabaho. Tunay o basehan ng kaalaman ang sagot na tinuturan lalo’t may kinabukasan sa pagbabahagi. Ang kabukasan sa usapan ang susi sa malalim na kaalaman higit sa pakay na usapin. Karaniwan ang usapang tanungan sa papasukan ngunit ang pagsasaad ng totoo’ na walang alinlanga’y dama sino man ang kausap o nag-uusap.

Sa pakikipag-usap, ang kinabukasan ang gawing tuntungan ng makuha ang layon na may pakinabang sa lahat. Isantabi ang pakinabang sa sarili sa mga tinuturan lalo sa kausap na payak at walang yabang. Ang mayabang na kausap tunay na iniwan ng walang kapararakan dahil sa irita o pagkainis na nadarama. At alisin ang yabang ng mga halal ng bayan ng mabawasan ang bigat na pasan ni Mang Juan

Maraming Salamat po!!!

The post ALISIN ANG YABANG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ALISIN ANG YABANG ALISIN ANG YABANG Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.