Facebook

DALAWANG ILLEGAL DRUG COURIER, NALAMBAT NG MGA AHENTE NG PDEA REGION 4A AT PNP CALABARZON; 3.4M PISONG HALAGA NG SHABU, KUMPISKADO

Walang humpay na anti-criminality operations partikular ang kampanya laban sa nagkalat na droga sa lansangan ang puspusang inilulunsad ngayon ng PNP PRO4A o mas kilala sa tawag na CALABARZON PNP.

Sa isang ulat ni PBGen. CARLITO M. GACES, Regional Director ng PNP CALABARZON sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna kay PGEN. BENJAMIN ACORDA, top honcho ng Philippine National Police, pinapurihan niya ang ginawa ng kanyang mga elemento sa Cavite Police Povincial Office na nakipagugnayan sa PDEA Region 4A sa isang police buy bust operation na ikinasabat ng drogang kilala sa pangalang “shabu” na nagkakahalaga ng 3.4M pesos (street value) sa New Market Road, Barangay Tejeros Convention Center sa Rosario, Cavite nito lang ika 6 ng Hunyo.

Sa nasabing opertion na pinangunahan ng PDEA R4A, RSET 2 at RSET 1, kasama ang PNP Calabarzon na binuo ng magkasanib na Cavite PPO, Cavite PIU Rosario MPS, walang butas na malusutan ang mga illegal drug courier na sina Basit Mamacol y Dimasira @Mosib at Sandy Rabalon y Jailani, kapwa taga Rosario, Cavite. Ang shabu na tumitimbang na 500 gramo na nasa sisidlang plastic ay nabawi antimano sa dalawang suspek.

Ipinaliwanag ni Cavite Police Provincial Office Commander P/Col Christopher Olazo kay General Caces na maalwan naman nilang naisakatuparan ang buy bust operation sa harap nI Barangay representative Kagawad Rizalyn Alcantara at Miss Rossel Calderon, representative ng isang media group.

Kamakailan lang, nakalambat din ang PNP CALABARZON ng illegal drugs na meth sa Ingles o shabu sa katawagan sa lansangan ng halagang 190 miliyong piso, isang patunay na hindi nilulubayan ng pulisya ang sinumpaang tungkulin proteksyunan at ipagtanggol ang mamamayan sa kanyang nasasakupan.

The post DALAWANG ILLEGAL DRUG COURIER, NALAMBAT NG MGA AHENTE NG PDEA REGION 4A AT PNP CALABARZON; 3.4M PISONG HALAGA NG SHABU, KUMPISKADO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DALAWANG ILLEGAL DRUG COURIER, NALAMBAT NG MGA AHENTE NG PDEA REGION 4A AT PNP CALABARZON; 3.4M PISONG HALAGA NG SHABU, KUMPISKADO DALAWANG ILLEGAL DRUG COURIER, NALAMBAT NG MGA AHENTE NG  PDEA REGION 4A AT PNP CALABARZON; 3.4M PISONG HALAGA NG SHABU, KUMPISKADO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.