Facebook

New shows, handog ng GMA sa 73rd anibersaryo nito

TALAGANG ‘All for Love, Love for All’ ang gustong ihatid ng GMA Network sa exciting offerings at surprises na handog nito ngayong June at July para sa 73rd anniversary nito.
For sure, mamahalin ng viewers ang mga pinakaaabangang series na magpapakilig, magpapaiyak, magpapatawa, at magpapadama sa kanila ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig. Kabilang sa mga ito ang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, ‘LUV IS: Love at First Read’, ‘Royal Blood’, ‘Magandang Dilag’, at ‘Battle of the Judges.’
Ihilera pa rito ang pelikulang ‘The Cheating Game’ na pinagbibidahan ng mga bigating Kapuso artist. Hindi rin syempre dapat ma-miss ang pagrampa ng Kapuso stars sa red carpet para sa GMA Gala Night.
Love na love talaga ng Kapuso Network ang viewers kaya parating the best ang surprises na handog nito para sa kanila. Kaya naman, hindi na itatanong pa kung bakit patuloy rin itong minamahal ng viewers sa mahigit pitong dekada nito sa industriya.
***
Voltes V bumisita sa Bergenfield, New Jersey!
NAPA-wow ang Global Pinoys sa sumalubong sa kanilang 20-foot inflatable robot na si Voltes V sa 125th Philippine Independence Day celebration sa Bergenfield, New Jersey.
Isa lamang ito sa mga nakahandang surprise ng GMA Pinoy TV para sa mga kababayan natin abroad. Kasama rin sa bonggang celebration ang bigating Kapuso artists na sina Xian Lim, Megan Young, Gabby Concepcion, at Ruru Madrid.
Ang susunond namang bibisitahin ni Voltes V ay ang Piyesta Pinoy sa Chicago ngayong June 10.
Samantala, patindi nang patindi na ang mga kaganapan sa hit live-action adaptation na Voltes V: Legacy. Don’t miss the epic battles every night, 8 p.m. sa GMA Network. Syempre mapapanuod din ito sa GMA Pinoy TV.
Para naman sa full schedule ng Philippine Independence Day celebration abroad with GMA Pinoy TV, bumisita lamang sa www.gmanetwork.com.

The post New shows, handog ng GMA sa 73rd anibersaryo nito appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
New shows, handog ng GMA sa 73rd anibersaryo nito New shows, handog ng GMA  sa 73rd anibersaryo nito Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.