Facebook

Pagdinig sa Senado ukol sa E-Governance at Internet pinangunahan ni Cayetano

IPINAGPATULOY ni Senator Alan Peter “Compañero” S. Cayetano, chairman ng Senate Committee on Science and Technology, ang pagdinig ng Senado sa mga panukalang batas ukol sa e-governance at sa kasalukuyang kalagayan ng internet connectivity sa bansa.

Dinaluhan ang pagdinig ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ng malalaking telecommunications companies sa bansa, mga local government official, youth organization, at mga kinatawan ng academe.

Ipinaalala ni Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno at mga stakeholder na layunin ng e-governance ay para tugunan ang mga problema at para mapabilis, maayos at transparent ang mga serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya. (CESAR MORALES)

 

The post Pagdinig sa Senado ukol sa E-Governance at Internet pinangunahan ni Cayetano appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagdinig sa Senado ukol sa E-Governance at Internet pinangunahan ni Cayetano Pagdinig sa Senado ukol sa E-Governance at Internet pinangunahan ni Cayetano Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.