Ni ROMMEL PLACENTE
NAMANHIKAN na pala si Congressman Arjo Atayde kasama ang kanyang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez at iba pang kaanak, sa pamilya ng kanyang fiancée na si Maine Mendoza.
Ito ay base sa ipinost ni Ibyang sa kanyang social media account. Nangyari ang pamamanhikan nitong nagdaang weekend.
Ibinahagi ni Ibyang ang isang video sa Instagram at Facebook noong June 25, kung saan makikita ang pagtungo ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine na tinatawag na “Casa Mendoza”.
Ang unang IG post ay kuha sa loob ng isang private plane na may caption na, “Off to a very important destination, @mainedcm @arjoatayde.” Ginamit ng aktres ang mga hashtags na #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.
Sa ikalawa niyang post ay isa namang video kung saan mapapanood ang papasok sa isang kalye ng mga nakahilerang mga SUV na nilagyan ni Sylvia ng caption na, “The Very Important destination (heart emoji).”
Maririnig si Sylvia na nag-dialogue ng, “Andito lahat ng kotse ng Atayde.”
Ipinakita rin sa video si Maine habang lumalabas sa kanilang bahay at lumapit sa sinasakyan ni Arjo at ng kanyang pamilya.
So, tuloy na tuloy na talaga ang kasalang Arjo at Maine huh?! Pero kelan nga kaya yun magaganap? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa yun ina-announce nina Arjo at Maine.
***
SA guesting ni Deborah Sun sa YouTube channel ni Snooky Serna, sinabi niyang labis-labis ang pasasalamat niya kay Ara Mina dahil libre siyang pinatira sa condo unit nito.
Sabi ni Deborah,“Talagang siya mismo nag-offer sa akin niyan. Kung tutuusin, hindi ko naging barkada, hindi ko kaedad si Ara Mina.
“Pero nung malaman niya ang sitwasyon ng buhay ko, na kami mag-iina, ano siya, tinulungan niya kami.
“Up to now, nakatira ako sa isang unit niya diyan sa Cubao for seven years.
“Ara Mina, thank you so much. For seven years, wala akong binabayaran talaga sa upa… big help. Sobra, lalo wala akong trabaho.”
Bukod pa rito, nagpapadala rin daw si Ara ng grocery items kay Deborah.
Ang isa pa sa tumutulong kay Deborah ay si Aiko Melendez, na half-sibling ang isang anak ni Deborah na si Jam Melendez.
Si Jam ay anak ng namayapang aktor na si Jimi Melendez, na tatay din ni Aiko.
Sabi ni Deborah tiungkol kay Aiko,“Talagang provided niya lahat yung mga pagdating sa medical, pang-doktor, Pasko, Bagong Taon.
“I’m very thankful din kay Aiko dahil hindi niya pinababayaan ‘yung kapatid niya sa akin, yung ganon, I mean, di ba, it’s a blessing.”
For the record, si Deborah ay nakilala noong late ’70s at ’80s. Ilan sa mga tumatak niyang pagganap ay sa pelikulang Bedspacers (1979), Temptation Island (1980), at Pakawalan Mo Ako (1981).
Subalit dahil nalulong sa masamang bisyo noon, nagsimulang tumamlay ang career ni Deborah. Inamin niyang hanggang ngayon ay ito pa rin ang reputasyon niya sa iba.
“Alam ko marami may ayaw sa akin, lalo na sa pinagdaanan ko…
“Iniisip na nagda-drugs pa ako. Masakit dahil hindi na naalis sa isip nila, sa utak nila…
“Kaya nga wala akong project dahil doon, e. Yun na nakatatak na sa utak nila.”
Ang lahat naman ng tao ay nagbabago, at isa si Deborah sa mga nagbago na Hindi na siya lulong sa drugs. Kaya sana ay bigyan pa siya ng pagkakataon sa showbiz.
Ayun nga at may nagbigay sa kanya ng chance. Kasama si Deborah sa pelikulang Unspoken Letters na bida si Jhassy Busran.
The post Arjo namanhikan na sa pamilya ni Maine; Ara at Aiko malaking tulong sa buhay ni Deborah appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: