Facebook

Ex-vice mayor sa Sulu bumuo ng armed group para sa BSKE PNP

BUMUO ng private armed group (PAG) si dating Maiimbung, Sulu Vice Mayor Pado Mudjasan bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangunian Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.

Ito ang inihayag ni Colonel Jean Fajardo, spokesperson ng PNP, na isa sa mga dahilan ng pagsagawa ng operation laban sa kay Mudjasan.

Naglunsad ng law enforcement operation ang pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP nang na-monitor na nagre-recruit si Mudjasan ng armed civilians. Ito ay kina-classify na potential PAGs, pinaniniwalaang maaaring magamit sa paparating na BSKE, sabi ni Fajardo.

Bukod dito, sinabi ni Fajardo na mayroong standing warrant of arrest at may 2 search warrants laban kay Mudjasan dahil may information na may mga hawak itong matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog.

Ayon kay Fajardo, base sa mga impormasyon, mayroon 50 followers si Mudjasa na siyang naka-engkwentro ng mga operatiba na maghahain ng warrant of arrest at search warrant noong Sabado, Hunyo24.

Patuloy ang ginagawang law enforcement operations sa bahagi ng Sulu dahil pinaniniwalaan na nasa lugar pa ang grupo ni Mudjasan.

Sinabi ni Fajardo na 5 ang nasawi at marami ang sugatan sa grupo ni Mudjasan, habang isang pulis ang nasawi at 14 ang sugatan sa nangyaring sagupaan nitong Hunyo 24. (Mark Obleada)

The post Ex-vice mayor sa Sulu bumuo ng armed group para sa BSKE – PNP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-vice mayor sa Sulu bumuo ng armed group para sa BSKE PNP Ex-vice mayor sa Sulu bumuo ng armed group para sa BSKE  PNP Reviewed by misfitgympal on Hunyo 27, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.