HINDI pa tapos ang labanan ng mga mambabatas sa kontrobersya ng mabilisang pagpasa ng panukalang batas ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa Kongreso. Batay sa huling balita, maaaring dalhin nila ang isyu sa Korte Suprema. Plano ng ilang mambabatas na umaastang oposisyon na kuwestiyunin ang paraan ng pagpasa ng panukalang batas.
Hindi umano katanggap-tanggap ang agarang pagpasa ng kontrobersiyal na panukala. Ipinilit umano ng kani-kanilang mga lider sa Senado at Kamara de Representante ang agarang pagpasa ng panukalang batas. Hindi pinag-aralan ng mabuti; hindi tinalakay ng husto ang mga probisyon lalo na iyong tungkol sa pondo ng gobyerno na maaaring gamitin bilang puhunan sa MIF. Walang masusing pag-aaral sa mga laman ng panukalang batas.
Batay sa mga balita, plano ng mga mambabatas na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang kawalan ng concurrence, o pagsang-ayon, ng contingent ng House sa huling bersyon ng panukalang batas na ang laman ay ang buong bersyon mismo ng Senado. Kataka-taka ang sinabi ng liderato ng Senado na hindi kailangan ang pagsang-ayon sapagkat inaprubahan mismo ng delegasyon ng Kamara ang buong bersyon ng Senado.
Ayon sa rules ng Kongreso, binubuo ang bicameral conference committee sa sandaling may kaibahan ang bersyon ng Kamara at Senado sa inaprubahan na panukalang batas. Nagpupulong ang delegasyon ng dalawang sangay ng Kongreso upang pandayin sa huling sandal ang pinal na bersyon. Ayon sa rules, kailangan ang pagsang-ayon ng dalawang kapulungan. Hindi na kailangan ang debate kapag tinalakay ang huling bersyon.
Hindi namin alam kung matutuloy ang plano na dalhin sa Korte Suprema ang usapin. Hindi namin kilala ang mga senador na umangal sa katatagan ng loob. Mas kilala naming sila sa karuwagan. Tanging si Risa Hontiveros lang ang senador na “may bayag” sa kanila. Matapang at buo ang loob ni Risa na tumutol. Narito ang kanyang opisyal na pahayag.
First of all, I am happy that the public has been heard and pension and social welfare funds are protected from the reach of the Maharlika fund.
Ako din po ay nagmungkahi ng mga amyenda na nilalagyan ng parusang kulong para sa mga may masamang balak sa pondo, kasama ang mga auditor na mag-falsify ng mga audit report.
However, I maintain that the fund is not what we need now, and I will certainly support any action to raise this to the Supreme Court. According to Section 16, Article XII of the 1987 Constitution, GOCCs must pass the test of economic viability and our economic experts have raised plenty of arguments that cast doubt on whether the MWF has passed or even be subjected to this test.
Panghuli, I will be waiting for the IRR and will be watching intently to ensure that the prohibitions we put in place and the wins we were able to secure during the plenary deliberations are not lost. Pension funds are absolutely prohibited from investing in Maharlika, whether mandatorily or voluntarily, whether seed fund or subsequent investment. Malinaw sa batas.
***
AABOT sa P13.91 trilyon ang utang ng national government (NG) noong katapusan ng Abril, 2023. Sa buong anim na taon termino ni PNoy, umabot lang sa P1.3 trilyon ang nadagdag sa utang. Inabutan ni PNoy na P4.6 trilyon ang utang ng NG noong 2010. Ngunit noong lumisan siya sa poder noong 2016, umabot ang kabuuan utang ng NG sa P5.9 trilyon.
Matindi ang inabot ng national government ng umupo si Rodrigo Duterte sa Malacanang noong 2016. Halos doble ang utang na nadagdag sa NG. Umabot ang kabuuang utang ng NG sa $12.79 trilyon mula P5.9 trilyon. Abot sa P6.89 trilyon ang nadagdag na utang. May average na lampas P1.1 trilyon taon-taon ang nadagdag na utang noong panahon ni Duterte.
Ang nakakapagtaka ay maraming proyekto noong panahon ni panahon ni PNoy. Inangkin ni Duterte na kanya umano ang mga proyektong naumpisahan noong panahon ni PNoy at natapos noong panahon niya. Ngunit wala siyang ambag, sa totoo lang. Inferior Davao? Huwag ninyo akong tanungin dahil hindi kayo matutuwa sa aking sagot. Ang alam ko malaking halaga ang ninakaw sa kaban ng bayan noong panahon ni Duterte.
Sa unang 10 buwan ng termino ng administrasyon ni BBM, umabot sa P1.1 trilyon ang nautang. Kung hindi rerendahan mabuti ni BBM ang pananalapi ng bansa, hindi malayong mauwi ito tulad ng nangyari noong panahon ni Duterte. Huwag sana.
***
MAGANDANG balita ang pagtanggi ni BBM na hirangin na “drug czar” si Rodrigo Duterte. Mas lalo lang magkakaloko-loko ang kampanya kontra droga. Maigi na mantili na lng vao City si Duterte. Wala naman siyang iaambag sa gobyerno ni BBM. Mas maigi hrapin na lng niya ang formal investigation ng International Criminal Court hinggil sa sakdal na crimes against humanity laban sa kanya at mga kasapakat.
Maiging tumigil sa mga hirit sa Bong Go, isa pang walang silbi sa Senado. Maigi na supalpalin si Bato dela Rosa. Parehong walang silbi sa bayan si Bato at Bong Go.
***
MAY nagtanong na mga netizen sa amin kung ano ang opinyon naming sa pagtatapos ng programang Eat Bulaga. Wala kaming nasabi dahil, una, hindi namin alam ang puno at dulo. Pangalawa, wala kaming natukoy kung sino ang mali at tama dahil hindi namin alam kung ano ang nilalaman ng kani-kanilang kontrata at usapan. Pangatlo at huli, bagaman alam namin ang programa, hindi kami nanonood ng Eat Bulaga.
Mahigit 20 taon na ang nakalipas ng huli namin napanood ang programa. Buhay pa ang aking ina at nang pasyalan ko siya sa kanyang tahanan, naabutan ko siya na pinanonood niya ito. Nakipanood ako sa kanya. Hanggang natapos sa TV, hindi ko na napanood ang programa. Wala akong karapatan na magsabi tungkol sa programa.
Pero nagulat sa tweet ng isang netizen: “Pepsi died on May 31, 1985. Eat Bulaga ended on May 31, 2023. Is it just a coincidence or what?” Wala akong masabi sa isyu. Mas maganda kung si Tito Sotto ang magpaliwanag.
***
MGA PILING SALITA: “A good journalist writes the facts in a timely manner and corrects the information as necessary. A better journalist does all the above and puts everything into context. A troll makes everything up, lies nonstop and throws in crude, vile insults every five seconds. No IQ needed.” – Alan Robles, netizen, journalist
“Journalism is widely described as ‘literature of haste.’ Every journalist subscribes to the basic tenets of truth, balance and objectivity (or fairness). He is expected to produce not just spurts but series of gems in short periods of time. A true blooded journalist does not have to wait for Miss Gorgeous to stimulate his senses; he has to live with Miss Deadline to produce the expected gems.” – PL, netizen
“In journalism, there are no stupid questions, only stupid answers.” – Raffy Tima, journalist
The post BAKBAKAN SA KORTE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: