Facebook

Edu at Cherry Pie tuluyan nang naghiwalay

Ni ARCHIE LIAO

PATULOY na lumalakas ang mga espekulasyon na hiwalay na ang showbiz couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ayon sa tweet ng ilang bubuwit.
Matatandaang napabalita na noong nagkakalabuan ang dalawa dahil may mga pagkakataon na madalas na hindi sila nakikitang magkasama sa mga ganap nila.
Gayunpaman, pinabulaanan ito ng dalawa at sinabing naging abala lang sila sa kanilang respective projects kaya minsan ay wala na silang panahon sa isa’t isa.
May mga nakapansin din na sa social media posts na waley na sina Doods at Cherry Pie sa posts nila kaya naman lalong tumibay ang sapantahang split na ang dalawa.
Minsan na rin itong nabanggit ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel base sa kanyang sources.
Ikinokonek naman ito ng kibitzers sa naging guesting ni Edu sa vlog ng kanyang ex na si Maricel Soriano.
May mga nakapansin kasi na noong kinakapanayam niya ang aktor ay never na nabanggit ang tungkol sa lovelife nito at sa karelasyong si Cherry Pie, bagama’t nabanggit ito sa tsikahan noon ng Diamond Star at ni Dina Bonnevie sa kanyang channel.
Nagkaroon tuloy ng inference na pinagbawalan daw ni Doods na talakayin ang tungkol sa kanila ni Cherry Pie sa vlog ni Marya.
Sa nasabing interview, very vocal din si Edu sa pagsasabing at his age ay hindi na siya nangangarap na mag-asawa o magkaroon ng partner.
Katunayan, isa raw sa pangarap ng beteranong aktor ay ang umabot lang siya sa edad na maisayaw niya ang kanyang anak na babae sa debut nito.
Sey pa niya, ito rin daw ang dahilan kaya gusto niyang maging physically fit dahil bet pa niyang masilayan ang kanyang mga apo.
Tsika naman niya, hindi raw nagkaroon ng katuparan na maisayaw niya ang anak na si Adie dahil noong mag-18 daw ito ay pinili na lang nitong mag-spend ng bakasyon kasama ang mga kaibigan sa Boracay.
Sa pagtagni-tagni ng mga pangyayaring ito, nagkaroon tuloy ng espekulasyon ang kibitzers na tila nga tapos na ang tambalang PieDu nina Cherry Pie at Edu.

The post Edu at Cherry Pie tuluyan nang naghiwalay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Edu at Cherry Pie tuluyan nang naghiwalay Edu at Cherry Pie tuluyan nang naghiwalay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 23, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.