IPINAGDIWANG ngayong Sabado, June 24 ang ika-452 taong anibersarsyo ng pagkakatatag ng Maynila.
Dahil dito ay naglatag ng mga gawain bilang tanda ng mahalagang okasyon, isa na nga dito ay ang pagkorona sa Miss Manila 2023 at ang civic-military parade.
Sinabi ng spokesperson ni Mayor Honey Lacuna na si Atty. Princess Abante na ilang mga kalye sa lungaod ang isinara ngayong Sabado, June 24 dahil sa civic-military parade para sa ‘Araw ng Maynila.’
Ang listahan ng mga saradong kalye mula 6 a.m. onward ay ang mga sumusunod: kahabaan ng Moriones Street mula Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora Street; kahabaan ng J. Nolasco Street mula Morga hanggang Concha Streets at kahabaan ng Sta. Maria St. mula Morga hanggang Concha Streets.
Pinapayuhan ang publiko na maghanap ng alternatibong ruta.
Ngayon ding June 24, ay pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna ang wreath-laying activity sa Rajah Sulayman sa Malate, Manila , ganap na alas-7:30 ng umaga. Sinundan ito ng civic and military parade sa Moriones, Tondo dakong 8:30 ng umaga at ang Gran Copa de Manila sa Metro Manila Turf Cluv, Malvar, Batangas dakong alas- 4 ng hapon.
Itinuturing din na isa sa mga tampok sa pagdiriwang ng “Araw ng Maynila” ay ang Gawad Manileño 2023, kung saan ang mga residente ng Maynila ay mayroong mahalagang naiambag sa lungsod sa kanilang larangan ay binibigyang pagkilala.
Ayon kay Lacuna may 40 Manileño ang binigyan ng karangalan para kanilang natatanging kontribusyon sa progreso ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng kanilang gawa.
Binigyang pagkilala din ang mga top taxpayers at employers sa pagtulong nila upang mapalago ang ekonomiya ng lungsod. (ANDI GARCIA)
The post Ika-452 taon ng pagkakatatag ng Maynila, ipinagdiwang appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: