Facebook

FRONTLINERS NG TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL NABAKUNAHAN NG TWO STRAIN BIVALENT OMICRON VACCINES

NAGBIGAY ng Bivalent Omicron COVID-19 vaccines na isang “two strain” na bakuna sa mga frontliners ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH), Medical Center Taguig (MCT) at Taguig Doctors Hospital (TDH) upang bigyan sila ng dagdag na proteksiyon laban sa coronavirus at subvariants nito gaya ng Omicron.

Kasama ang mga frontliners sa iilang unang nabigyan ng libreng bivalent COVID-19 vaccine sa buong bansa. Ang pagbabakuna ay isinagawa sa Taguig Mega Vaccination Hub sa Lakeshore, Brgy. Lower Bicutan.

“Dito sa Taguig ay ipinapakita natin ang ating kapasidad… at ang kahandaan nating makapagbakuna sa unang araw pa lamang ng pagdating sa atin ng ating mga bakuna,” ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano

Dagdag niya, makakaasa ang National Government at Department of Health (DOH) sa ibayong pagpupursigi ng City Government of Taguig upang maging maayos ang paglalatag ng programang ito.

Ayon kay Taguig National Immunization Program Medical Coordinator Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman, uunahing bakunahan ang mga nasa A1 group at Subgroup A1.1 to A1.2 o mga health workers at hospital based frontliners na edad 18 years old at pataas. Ito ay alinsunod sa prioritization framework na ibinaba ng DOH dahil sa limitadong lohistika.

Bagamat sila ay nagbabakuna na ng bivalent COVID19 vaccines ay patuloy pa ring nagbibigay ng monovalent COVID19 vaccines sa mga wala pang primary doses at 1st hanggang 2nd booster doses.

Hiningi ni Mayor Lani ang tulong ng mga health workers sa pagpapakalat ng mensahe tungkol sa kaligtasan, pagiging epektibo, at kahalagahan ng pagpapabakuna. (JOJO SADIWA)

The post FRONTLINERS NG TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL, NABAKUNAHAN NG ‘TWO STRAIN’ BIVALENT OMICRON VACCINES appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FRONTLINERS NG TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL NABAKUNAHAN NG TWO STRAIN BIVALENT OMICRON VACCINES FRONTLINERS NG TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL NABAKUNAHAN NG TWO STRAIN BIVALENT OMICRON VACCINES Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.