“KAYO ang pag –asa ng BuCor at kayo rin ang tagapagmana nito kaya ayusin nyo ang serbisyo sa pamamagitan ng serbisyong may disiplina at dignidad. Gusto ko may disiplina kayo kasi part yan ng training nyo at dahil bayad yan ng sweldo nyo na galling sa pera ng taong bayan.”
Ito ang naging mensahe ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa harap ng 454 trainees na nagtapos para sa Corrections Basic Recruit Course noong biyernes (Hunyo 23) sa NBP Parade Ground, Muntinlupa City.
Ang mga newly graduates ay naging karapat-dapat sa kanilang deployment sa pitong operating prison at penal farms ng bureau.
Sinabi ni Catapang na ang BuCor ay nasa reform mode na ang ibig sabihin ay hindi lamang nagrereporma sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan o Persons Deprived of Liberty (PDLs) kundi pati na rin sa sariling mga tauhan ng ahensiya at non-uniform personnel. Ang pagbabago sa BuCor ay mayroon pang limang taon para gawin ito.
Maraming hamon ang bureau simula sa istruktura.
Bagama’t maraming ari-arian ang bureau, kulang ito sa mga pasilidad na nagresulta sa pagsisikip ng mga PDL, sinabi ni Catapang sa mga nagsipagtapos.
Dagdag pa niya, nahaharap din sila sa problema sa organisasyon dahil sa kakulangan ng mga kuwalipikadong tauhan.
“Kaya nga, hangga’t ikaw ay kwalipikado, mula sa Corrections Officer 1, hindi ako magdadalawang-isip na i-promote ka sa loob ng anim na buwan sa CO2 upang punan ang aming mga kakulangan para sa CO2 hanggang sa maabot mo ang posisyon ng CO4,” dagdag ni Catapang, binanggit ang pangangailangan para sa mabubuting pinuno na mamuno sa bureau na napabayaan sa loob ng maraming taon.
Ang mga nagtapos ay orihinal na binubuo ng 500 recruits ngunit 454 lamang ang nakaligtas sa pagsasanay ay mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at sila ay binubuo ng mga lisensyadong criminologist, guro, nars, social worker, engineer, agriculturists, nutritionist, rad technicians, pharmacists, customs brokers, psychometricians , dalawang arkitekto, limang nagtapos ng Bachelor in Forestry, dalawang nagtapos ng Bachelor in Accountancy, nagtapos ng Bachelor in Fisheries at nagtapos ng Bachelor in Law. Kabilang sa mga ito ang 15 na nagtapos ng cum laude.
Ang graduation ceremony para sa Class 20-2022 o mas kilala bilang MANDATOS na ang kahulugan ay para Mananatiling May Dangal at Tapat sa Organisasyon at Serbisyo.
Si Catapang ay tinulungan nina Gen. Ali Perreras, AFP (Ret.), BuCor OIC, Deputy Director General for Administration, at J/CINSP Florencio R. Orillosa (Ret.), Acting Director, Corrections National Training Institute sa paggawad ng Certificates of Completion and Recognition sa mga magsisipagtapos. (JOJO SADIWA)
The post 454 TRAINEES NA NAGTAPOS SA BUCOR, SERBISYONG MAY ‘DISIPLINA AT DIGNIDAD’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: