Facebook

Gabrielle Lanzter ng Malate tinanghal na Miss Manila 2023

ANG kinatawan ng Malate na si Gabrielle Lanzter ang tinanghal na Miss Manila 2023 sa ginanap na Coronation Night noong gabi ng June 23 sa Metropolitan Theater.

May kabuuang 22 kababaihan ang naglaban sa prestihiyosong titulo ng Miss Manila 2023, na nagtatampok ng kanilang ganda at talino at katapatan sa paglikha ng positibong epekto sa kanilang pamayanan.

Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nagputong ng korona at naglagay ng sash kay Lanzter, na inasistehan naman ni Vice Mayor Yul Servo, tourism department chief Charlie Dungo at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Lugene Ang. Si Lanzter ay binigyan din ng bouquet of flowers at tsekeng nagkakahalaga ng P1 million.

Ang iba pang mga nagsipagwagi ay sina: Miss Manila 2023 2nd Runner Up – Francine Tajanlangit, kinatawan ng Roxas Boulevard; Miss Manila 2023 1st Runner Up – Karen Nicole Piccio ng Pureza, Sta. Mesa; Miss Manila Charity – Anne De Mesa ng Sta, Mesa at Miss Manila Tourism – Angela Okol ng Paco.

Nagpahayag ng pagmamalaki si Lacuna sa mga naggagandahang dilag na sumali sa Miss Manila at nagsabing: ‘beyond the glitz and glamour, the Miss Manila pageant serves as a celebration of womanhood, empowerment and the vibrant spirit of Manila.’

Ayon sa alkalde, ang lahat ng mga kandidata ay pumasa sa face- to- face interview hanggang sa makapili na ang board of judges na final at official list of candidates na iprinisinta na may suot na sash.

“All our lovely girls underwent the pre-qualification process and were selected according to their submitted credentials and video footages,” pahayag ng alkalde na umasang nag-enjoy sa kanilang journey ang lahat ng mga kalahok dahil ito ay: “an opportunity to hone and shine in your inner and outer character as the woman of the future.”

Pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng lumahok at tumulong na muling maibalik ang proyekto na nahinto dahil sa 2020 pandemic.

Ang nasabing pageant ay isa sa mga highlights ng selebrasyon ng ika-452 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila ngayong June 24. (ANDI GARCIA)

The post Gabrielle Lanzter ng Malate, tinanghal na Miss Manila 2023 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gabrielle Lanzter ng Malate tinanghal na Miss Manila 2023 Gabrielle Lanzter ng Malate tinanghal na Miss Manila 2023 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.