Facebook

EDUKASYON AT SARA (3)

NAPAKALAKING pananagutan ang edukasyon ng bansa. Lubhang mahalaga ito sa kaunlaran ng bansa. Ayon sa Saligang Batas, responsibilidad ng gobyerno na bigyan ng libreng edukasyon ang kabataan sa elementarya at hayskul at siguruhin na makakatanggap sila edukasyon na may kalidad upang mabuhay sila ng marangal sa lipunan.

Maraming usapin ang bumabalot sa elementarya at hayskul. Hindi namin alam kung batid ito ni Sara Duterte, ang kalihim ng Deped, na may pangunahing tungkulin na gabayan ang pagsulong ng edukasyon sa bansa. Wala kasi sa focus ang atensyon ni Sara. Mas abala siya sa red tagging kung saan napagbintangan ng walang matibay na batayan ang mga guro ng pakikipagkutsaba sa mga komunista. Mas abala siya na gawing garison ng militar ang Deped.

Kasama sa mga usapin ng edukasyon ang mga panukala na palawigin ang elementarya, baguhin ang kurikulum ng elementarya at hayskul, gawing pirmihan ang kalendaryo ng pasukan, pag-ibayuhin ang pag-aaral sa kwalipikasyon ng mga guro at tagapamahala ng mga paaralan, at pag-aralan ang istraktura ng sistema ng edukasyon. Kasama ang mga panukala sa pagharap sa masamang epekto ng pandemya. Kasama ang desisyon kung mananatili o hindi ang online classes at ang pagbili ng mga kagamitan para dito.

Isang isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng Deped, lalo ng kalihim dahil sa huli siya ang magpapasya, ang isyu ng special education. Ay mga lugar na walang special education ang mga paaralang pampubliko. Samakatuwid, hindi nabibigyan ng sapat tamang edukasyon ng mga taong maituturing special, o katangi-tangi.

Batay sa direktiba ng Deped, itinuturing na special ang isang mag-aaral kung siya ay henyo, o gifted, o may kapansanan pisikal, mentally retarded, visually impaired (bulag o sobrang malabo ang mga mata), hearing impaired (bingi), may behavior problems (sobrang likot o ACHD), learning disability (autism, dyslexia, at iba pa), multiple disability, at speech impaired.

Walang sinasabi ang kalihim kung dapat dagdagan ang bilang ng mga paaralan para sa special persons o may mungkahi siya na dagdagan ang budget. Hanggang ngayon, hilo ang kalihim pagdating sa isyu na iyan kahit maraming reklamo sa kawalan ng sapat na paaralan para sa mga special person.

Sa mga pag-aaral, nananatili na suliranin ang mathematics at kahit ang science and technology bilang mga subject na hindi natututo masyado ang mag-aaral. Walang naririnig sa kalihim kung may ideya siya upang makahabol ang estudyanteng Pinoy upang kahit paano makatabla sa mga mag-aaral ng ibang bansa lalo na kung dumating ang panahon ng paghahambing. Walang binabanggit ang kalihim kundi ang redtagging. Mukhang iyan lang ang alam niya.

Nananatiling usapin ang wika ng pagtuturo, o language of instruction. Kahit may Bilingual Education Policy mula 1974 kung saan iniutos ang paggamit ng English bilang medium of instruction sa subject ng mathematics at science and technology at Filipino sa ibang subject, may mga panukala na repasuhin ang polisiya upang malaman ang bisa nito.

Hindi namin alam kung naiintindihan ito ng kalihim sa kaibuturan ng kanyang limitadong unawa. May mga pagkakataon na tinutulan niya kahit ang pagkanta ng awiting “Manila, Manila” sa SEA games noong 2019. Taga Davao City si Sara at hindi siya sa sanay sa kultura ng ibang rehiyon lalo na sa mga rehiyon ng Tagalog ang gamit na wika.

***

Noong Huwebes, inihayag na dalawang retiradong heneral ang inilagay bilang undersecretary at assistant secretary sa Deped. Hindi binanggit kung kwalipikado sila. Hindi sinabi kung ano ang dahilan bakit sila inilagay sa Deped. Hindi sinabi kung edukador sila at kung may nalalaman o katangian upang mamahala sa larangan ng edukasyon.

Hindi natutuwa ang ACT Party List sa appointment ng dalawang sundalo sa Deped. Mistulang naubos ang mga edukador sa bansa upang mapunta ang ang dalawang puwesto sa mga retiradong heneral, ayon kay ACT Party List Rep. France Castro. O bahagi ng ito ng militarisasyon ng ng Deped, tanong ni Castro. Hind nilinaw ng pahayag ng Deped kung ano ang nakatakdang gawin ng dalawang retiradong heneral sa Deped.

***

NANALO si pro-democracy activist Jover Laurio sa sakdal na data privacy laban kay Joseph Rey Nieto na nagtatago sa bansag na “Thinking Pinoy.” Ayon sa desisyon ng Makati City regional Trial Court Branch 132, napatunayan na lumabag si Nieto sa itinatadhana ng RA 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Inutusan si Nieto na bayaran si Laurio ng halagang P100,000 bilang nominal damages; P100,000, moral damages; P100,000, exemplary damages; at P50,000, attorney’s fees and litigation expenses.

Nag-umpisa ang sakdal noon Marso 2018, sa artikulong “#CocoyGate, Cocoy’s Missing, Hey NBI Cybercrime, here’s another name” na nilathala ni Nieto noong Oktubre, 2017. Ibinistong artikulo na si Laurio ang taong nasa likod ng Pinoy Ako Blog na bago ang articulo ni Nieto ay tumatakbong hindi kilala ang may-akda.

Malupit ang sabi ng hukuman sa desisyon: “Defendant Nieto maliciously and with ill intent, collected, recorded, consolidated, and published, without authorization, plaintiff’s sensitive, personal information, as follows: a) her name; b) her user credentials for the website ‘Pinoy Ako Blog’; and c) the law school where plaintiff is currently enrolled.”

Dagdag: “As a direct result of defendant Nieto’s unauthorized sharing of plaintiff’s sensitive, personal information, plaintiff received various harassing and threatening messages, both publicly and privately, over social media from strangers supportive of defendant Nieto’s action.”

Kinilala ng hukuman na hindi pumasok si Laurio sa paaralan at nagbitiw sa trabaho dahil sa panggigipit na natanggap niya. Kasama sa depensa ni Nieto ang pagsasabing may Facebook account si Laurio kung saan nakalathala ang kanyang personal information. Binanggit niya na may kalayaan siya sa malayang pamamahayag.

Hindi kinilala ng hukuman ang sinabi ni Nieto. Binanggit ni Laurio ang kanyang takot noong mga panahon na iyon kaya napilitan siyang hindi ilathala ang kanyang pangalan sa blog. Kilala si Nieto bilang isa pro-Duterte blogger. Kilala si Laurio bilang kritiko ni Duterte.

Hindi sumang-ayon ang hukuman sa katwiran ni Nieto na bahagi ng malayang pamamahayag ang kanyang ginawa. Sabi ng korte: “The blog posted by the defendant clearly falls under the type of speech that is not entitled to constitutional protection and may be penalized.”

***

MGA PILING SALITA: “Bakit hilig ni Gadon kinompronta at mambastos ng babae tulad ni CJ Sereno, Etta Rosales, at Raissa Robles. Ngayon naman hinahamon si Sen. Risa. Misogynist kasi. Parang si Duterte na atras kay Mar Roxas sa hamong suntukan, atras kay Waldy Carbonell sa hamong barilan.” – Luke Espiritu, netizen, critic, lawyer

“You know how to whistle, don’t you? You just put your lips together and blow.”- Laureen Bacall to Humphrey Bogart

The post EDUKASYON AT SARA (3) appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EDUKASYON AT SARA (3) EDUKASYON AT SARA (3) Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.