Facebook

Pandemic recovery effort ng admin pinuri ni Bong Go

Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go, chair ng Senate committee on health and demography, ang pandemic recovery efforts na ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa patuloy na pakikipagbuno ng bansa sa sosyo-ekonomikong epekto ng pandemya ng COVID-19, pinuri ni Go ang estratehiya ng administrasyon upang matugunan ang mga hamon na kinaharap ng mamamayang Pilipino mula nang manumpa si Pangulong Marcos noong nakaraang taon.

“Sa ngayon, napakaganda ng ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang unang taon sa panunungkulan,” pahayag ni Go.

Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng mga pagsisikap na ginawa ng nakalipas na administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa pagtiyak na mas makakayanan na ng bansa ang mga hamon na dala ng krisis sa kalusugan.

“Sana ay ipagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon ang mga magagandang nasimulan nito sa kanilang unang taon at pati na rin ang mga magagandang programa ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sana ay madagdagan pa ang mga ito, lalo na yung mga proyekto at programang nakautulong talaga sa mga mahihirap nating kababayan,” anang senador.

Hinimok ni Go ang Department of Health (DOH) na suriing mabuti ang umiiral na sitwasyon bago gumawa ng anumang desisyon hinggil sa pag-aalis ng state of public emergency dahil sa COVID-19 sa bansa.

Kinikilala ang kahalagahan ng pagbabalanse ng kalusugan ng publiko at ang unti-unting pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ekonomiya, sinabi ng senador na maging maingat at ibatay sa datos ang gagawing diskarte.

“Kailangan nating isaalang-alang ang lahat at tiyakin na ang iminungkahing pagtanggal ng State of Public Health ay nakabatay sa ebidensya at idinidikta ng mahusay na siyensya.”

“Kabilang dito ang pagtiyak na ang ating kasalukuyang sistema sa pangangalagang pangkalusugan ay malakas sakaling magkaroon muli ng nakababahalang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19,” idiniin niya.

Ani Go, dapat isalang-alang ang pangunahing tagapagpahiwatig tulad ng rate ng impeksyon, saklaw ng pagbabakuna, kapasidad ng ospital, at ang kahandaan ng mga lokal na sistema ng kalusugan bago bawasan ang mga paghihigpit.

Dagdag pa rito, umapela si Go sa DOH na pabilisin ang pagpapalabas ng lahat ng naaangkop na COVID-19-related allowance para sa healthcare workers.

“May State of Public Health Emergency man o wala, dapat tuparin ng gobyerno ang mga obligasyon nito na protektahan ang buhay ng mga Pilipino, pangalagaan ang kanilang kalusugan, at ibigay ang nararapat sa kanila, lalo na sa ating medical frontliners,” idiniin ni Go.

The post Pandemic recovery effort ng admin pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pandemic recovery effort ng admin pinuri ni Bong Go Pandemic recovery effort ng admin pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 29, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.