Facebook

MAKATI RESIDENTS GINIGIPIT PARA HUWAG PAPABOR SA TAGUIG?

Tali na ang kamay ni MAKATI CITY MAYOR ABBY BINAY sa isyu ng TAGUIG-MAKATI TERRITORIAL DISPUTE.. , hindi na nya maaaring gawin ang kanyang matatapang at hayagang pagsasapubliko ng kanyang komento hinggil sa usapin dahil maaari na itong kasuhan ng contempt of court ng SUPREME COURT kaya naman ang mga alipores na nito ang gumagawana raw ng “dirty tactics” at “delaying tactics” para hindi maipatupad ang desisyon na nag-uutos na ilipat sa TAGUIG ang hHURISDIKSIYON ng 10 BARANGAY na nasa MAKATI CITY.

Ang sinasabi kong “dirty tactics” ay ang ginagawang pangigipit ng mga BARANGAY CHAIRMAN ng MAKATI.., kasi ang mga BARANGAY OFFICIAL na pumapabor daw sa TAGUIG CITY ay kanilang ginigipit, andyan ang banta na hindi ibibigay ang midyear bonus , mga allowances at sa ilang insidente ay sapilitang pinagbibitiw sa pwesto. Sa maikling salita ay “Binubully”.

Kung mainit ang talakayan sa social media ukol sa TAGUIG-MAKATI TERRITORIAL DISPUTE kung saan makikita natin sa mga komento na nagkaka-inisan pa ang mga netizens ay asahan natin na lalo pa sa “ground”.., ano na lang ang mga panggigipit na maaring gawin ng mga BARANGAY OFFICIAL para mabago ang mindset ng mga residente upang mag-aklas at magmatigas din na labanan ang FINAL AND nal EXECUTORY DECISION ng SUPREME COURT.

Kung litong lito na ang mga residente ng 10 BARANGAY sa MAKATI sa kung ano ang dapat nilang gawin sa isyu ng kanilang paglilipat sa TAGUIG ay epekto ito ng “masamang sulsol” ng MAKATI BARANGAY OFFICIALS

Isa pa sa ginagawa ng mga Makati barangay officials ay “delaying tactics”…, delaying tactics dahil maging ang Kongreso na walang hurisdiksyon sa usapin ng territorial dispute ay nais na pasawsawin na rin sa isyu.. hehehe matindi ang strategy.

Kumakalat ngayon sa lungsod ng MAKATI ang isang SIGNATURE CAMPAIGN upang mahimok ang mga apektadong residente na lumagda sa isang petisyon. Layon ng petisyon na ito na mangalap ng sapat na lagda para hilingin naman sa CONGRESS ang pagsasagawa ng REFERENDUM.

Nakasaad sa petisyon na lumabas sa media na hinihimok nito sina MAKATI 1st DISTRICT REP. KID PEÑA at MAKATI 2nd DISTRICT REP. JOSE LUIS CAMPOS na maghain ng petisyon sa KAMARA para isulong na magsagawa ng referendum. Sa ganitong paraan ay ang mga residente ang syang boboto kung payag ba ito o hindi na mailipat sa TAGUIG.

Para po sa kaalaman ng ating mga MAKATI BARANGAY OFFICIALS at para na rin sa kalinawan sa mga RESIDENTE ng 10 EMBO BARANGAYS, ang territorial dispute po ng MAKATI at TAGUIG ay isang kaso na ang korte ang syang dapat na magresolba. “Court Intervention” ang kailangan kaya nga tumagal ng 30 taon bago ito naresolba dahil dumaan ito sa proseso, una sa lower court, sa Court of Appeals at ang final arbiter, ang Supreme Court.

Paalalahanan natin ang mga kaalyado ng mga BINAY sa KONGRESO na huwag po tayong sumawsaw sa isyu. Nagsalita na ang SEPREME COURT at ang desisyon nila ay “law of the land” walang sinuman ang maaaring kumontra rito.

Sa mga MAKATI BARANGAY OFFICIALS itigil na po ang pagpapakalat ng mga petisyon na nakakagulo lamang at nakakadagdag ng tensyon. Mga residente ng EMBO BARANGAYS.., dapat pong magpakatalino… kung ang inyong lider ay hindi kayang sumunud sa batas, hindi kayang galangin ang SUOREME COURT DECISION.., aba’y mag-iisip isip na po kayo!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post MAKATI RESIDENTS GINIGIPIT PARA HUWAG PAPABOR SA TAGUIG? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAKATI RESIDENTS GINIGIPIT PARA HUWAG PAPABOR SA TAGUIG? MAKATI RESIDENTS GINIGIPIT PARA HUWAG PAPABOR SA TAGUIG? Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.